Marco Gumabao, sumusunod sa yapak ng amang si Dennis Roldan

by Jojo Gabinete
Jul 31, 2019
Marco Gumabao on doing frontal nudity: "I guess, ready naman ako, basta ready yung katawan ko."
PHOTO/S: Instagram

Kahit alam ng lahat na hindi gagawin ni Marco Gumabao ang magkaroon ng frontal nudity scene sa pelikula, ito pa rin ang itinanong sa kanya sa recent blogcon para sa Just A Stranger, ang pelikula nila ni Anne Curtis na kinunan ang mga importanteng eksena sa Lisbon, Portugal.

Para sa iba, offensive ang tanong, pero magalang at maayos na sinagot ito ni Marco.

Sinabi ni Marco na maraming skin ang ipinapakita niya sa kanyang mga eksena sa Los Bastardos at pumayag siyang magkaroon ng sexy pictorials para sa Bench.

"Matagal nila akong kino-convince na mag-underwear para sa Bench, pero for the longest time, lagi akong nagsasabi ng hindi.

"Huwag, ayoko munang magganyan. Hindi pa ako ready.

"Pero may isang kumausap sa akin and told me na, 'Ito, babagay sa 'yo. You should try na ito yung tahakin mo na landas.'

"And my dad [Dennis Roldan] before, also, ganito rin yung ginawa niya. Medyo yung dad ko, mapangahas.

Continue reading below ↓

"So, I guess, ready naman ako, basta ready yung katawan ko.

"Yun ang main concern kapag hindi napapasarap sa pagkain," sagot ni Marco.

Itinuturing ni Marco na mapalad ang sarili dahil sa challenging role na ipinagkatiwala sa kanya ng producer at direktor ng Just A Stranger.

Tungkol sa isang babaeng may asawa pero nagkaroon ng relasyon sa lalaking mas bata sa kanya nang magbakasyon siya sa Portugal ang kuwento ng pelikula nina Anne at Marco na may cinema playdate sa August 21, 2019.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Gumabao on doing frontal nudity: "I guess, ready naman ako, basta ready yung katawan ko."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results