Herlene 'Hipon Girl' Budol, Angkas ang sinasakyan papuntang Wowowin

by Jojo Gabinete
Jul 30, 2019
Herlene 'Hipon Girl' Budol, ipinaliwanag kung bakit Angkas ang sinasakyan papuntang Wowowin studio.
PHOTO/S: Instagram

SINGAPORE - Mainstay na si Herlene Budol, aka Hipon Girl, bilang co-host ni Willie Revillame sa Wowowin kaya kumikita na siya ng pera nang maayos.

Pero hindi pa rin siya nagkakalakas ng loob na magpundar ng sariling sasakyan, na kailangan dahil sa malayong bayan ng Angono, Rizal ang bahay nila ng kanyang pamilya.

Hanggang ngayon, sa tuwing nagre-report sa taping ng Wowowin, gumagamit si Herlene ng Angkas (motorcycle ride-hailing service) para makarating sa studio ng popular game show ni Willie.

Kuwento niya sa Cabinet Files, "Ngayon, wala na akong hatid-sundo.

"Dati, may hatid-sundo ako sa munisipyo ng Angono. Pero yung munisipyo ng Angono, tuloy pa rin ang suporta sa akin.

"Pero wala nang hatid-sundo kasi minsan nakikitulog na lang ako.

"Ngayon, nag-a-Angkas ako para mabilis 'tapos magma-mask na lang ako para pagdating sa school, hindi ako haggard, kasi siyempre yung usok, yung init.

"Hindi ako nagga-Grab, ang mahal, e.

"Hanggang ngayon, hindi ako gumagastos nang malaki.

Continue reading below ↓

"Yung ibang Angkas driver, nakikilala ako. Yung iba, hindi.

"Natutuwa nga ako, may nakakakilala dito sa akin sa Singapore."

Unti-unti nang napapansin si Herlene dahil sa participation nito sa Wowowin kaya may mga nagsabing baka magbago na ang kanyang ugali, tulad ng ibang mga baguhan na nalunod sa pansamantalang kasikatan na tinatamasa.

"Ako, para sa sarili ko, wala akong ipinagbago.

"Hindi ako nagbago na sabihin mo, nagmamataas ako.

"Kilala ako ng mga kaibigan ko, hindi ako nagmamataas.

"Kilala ko ang sarili ko, kilala ako ng mga mahal sa buhay ko.

"Yung mga tao na nakapaligid sa akin, yun lang ang mga nagdya-judge sa akin.

"Pero yung mga mahal ko sa buhay, sila yung totoong nakaka-appreciate at nakakakilala sa akin nang totoo.

"Iskwami ako, pero kaya ko pa rin naman na lumevel sa ibang tao na matataas," paliwanag ni Herlene, na “iskwami” ang tawag sa sarili.

(Mula sa squatter word ang iskwami.)

Continue reading below ↓

Kahit may regular income na siya bilang co-host ng Wowowin, hindi pumasok sa isip ni Herlene na lumipat ng bahay na malapit sa studio ng Wowowin dahil sa kanyang lolo at lola.

"Hindi ko kayang iwan ang lolo at lola ko kasi sila na lang ang kasama ko sa buhay.

"Baka kapag lumipat sila sa ibang lugar, baka… siyempre, kailangan nila ng mga katsismisan.

"Minahal nila ako. Siyempre, kung mabait ka sa ibang tao, mabait din ang matatanggap mo."

Postscript: Sa July 28 presscon ng contract signing ni Willie Revillame para sa Wil To Play sa Singapore, hindi napigilan ni Herlene na magtanong tungkol sa bagong mobile app na extension ng game show ng GMA-7.

Natawa ang lahat sa tanong ni Herlene, pero relevant ito dahil curious siyang malaman kung puwedeng maglaro ng Wil To Play ang maliliit na bata.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene 'Hipon Girl' Budol, ipinaliwanag kung bakit Angkas ang sinasakyan papuntang Wowowin studio.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results