Yam Concepcion, hindi isyu ang pagiging second choice sa Love Thy Woman

by Jojo Gabinete
Jul 31, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Ang Love Thy Woman ang bagong TV series project ni Yam Concepcion sa ABS-CBN.

Ito ang pangalawang regular program niya sa Kapamilya Network ngayong 2019.

Huling napanood si Yam sa Halik, na nagwakas noong April 2019 at isa sa mga memorable TV show niya dahil nagmarka sa publiko ang kanyang performance.

Ang senior road manager ni Yam na si John Navarro ang nagsabi sa Cabinet Files na masaya ang sexy actress dahil gustung-gusto nito ang kuwento ng Love Thy Woman at ang karakter na gagampanan niya.

Hindi raw isyu kay Yam na second choice siya dahil si Erich Gonzales ang dapat na original co-star nina Xian Lim at Kim Chiu sa upcoming drama series ng ABS-CBN.

Walang idea si Yam sa tunay na dahilan ng pagkawala ni Erich sa cast ng Love Thy Woman.

Pero sa report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 25, nag-resign si Erich dahil hindi nito nagustuhan na magiging kontrabida ang karakter na gagampanan niya, na ibang-iba nang ialok sa kanya ang proyekto.

Continue reading below ↓

Si Yam ang gaganap na half-sister ni Kim sa Love Thy Woman.

Ayon kay John, inaayos na ang taping schedule ng kanyang alaga na may ginagawa ring pelikula—ang Night Shift, ang bagong horror movie ni Yam Laranas.

Nag-umpisa na ang taping ng Love Thy Woman.

Noong nakaraang linggo, lumipad sina Xian, Kim, at Zsa Zsa Padilla sa Singapore dahil dito kinunan ang mga eksenang mahalaga sa kuwento ng teleserye.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results