Sino ang mas bagay gumanap bilang Mother Lily: Vilma Santos o Ai-Ai delas Alas?

IMAGE Noel Orsal / Mark Atienza
Mother Lily Monteverde (gitna) pumayag nang isapelikula ang life story niya. Sino ang mas bagay na gumanap bilang Mother Lily: si Ai-Ai delas Alas (kaliwa) o si Vilma Santos (kanan)?

Si Lipa City House Representative at Star for All Seasons Vilma Santos-Recto ang gusto ng karamihan para gumanap na Lily Yu Monteverde sa pinaplanong bioflick ng Regal matriarch.

Marami ang naniniwalang mabibigyan ni Vilma ng justice ang masaya at makulay na kuwento ng buhay ni Mother Lily, na malaki ang kontribusyon sa Philippine movie industry bilang film producer.

Pumayag na si Mother Lily na isalin sa pelikula ang life story niya.

Si Erik Matti ang direktor ng still-untitled project at ang Reality Entertainment, ang movie company ng anak ni Mother Lily na si Dondon Monteverde ang producer.

Suportado ng mga anak ni Mother Lily ang ambitious project na tiyak na star-studded dahil sa dami ng mga artistang binigyan niya ng break sa pelikula.

"Finally, we are at the works of doing a milestone movie with Erik Matti and his team.

"I am more than excited but passionate as well because it is the story of my mom and the mother of a lot in the Philippine entertainment industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This is the story of 'Mother Lily' to everyone that knows her and who has been part of her journey!

"I will finally announce this officially today," pahayag ni Roselle Monteverde, ang anak ni Mother Lily na katulong niya ngayon sa pagpapatakbo ng kanilang film outfit.

Ikinuwento naman ni Erik na noon pa nila kinukumbinsi ni Dondon si Mother Lily para pumayag itong isapelikula ang life story niya.

"Dondon Monteverde and I have been courting Mother Lily about this project for quite a few years now.

"We’ve gathered so much research about this over the years by just being with Mother at parties, dinners, and parties and dinners.

"But there’s still so much to mine from this story. It is epic and very personal.

"If this will be the only film I will make about movies then we’d better bring everything on this one.

"Today is the first day in a series of interviews with Mother Lily and the people who know her and Regal all these years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We will interview directors, designers, actors, managers, staff people, and everyone who in one way or the other had been part of the growth of Regal Entertainment as the film studio who produced the modt number of films in Philippine history.

"Written by Moira Lang and Mich Yama, we present #TheMotherLilyStory to the big screen. This. I. Am. So. Excited!"

Bukod kay Vilma Santos, nababanggit din ang pangalan ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas na may kakayahan ding gampanan sa pelikula ang katauhan ni Mother Lily.

Sa mga hindi nakakakilala at nakakasalamuha ni Mother Lily, nakakatawa siya sa personal dahil malakas ang sense of humor niya, kaya puwedeng si Ai-Ai ang magbigay-buhay sa kanya sa silver screen.

Hindi lamang magaling na komedyante si Ai-Ai dahil napatunayan na rin nito ang husay sa drama.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close