Alden Richards, magsisimula nang mag-taping para sa The Gift

IMAGE Noel Orsal

The Gift ang working title ng bagong primetime series ni Alden Richards sa GMA-7.

Tungkol sa isang lalaking nagkaroon ng kapansanan ang paningin, pero may kakayahang "makakita" dahil may third eye, ang karakter ni Alden sa upcoming program ng Kapuso Network.

Nagsimula ang taping ng The Gift noong July 27 sa Tondo, Manila, pero inuna munang kunan ang mga eksena ng co-stars ni Alden.

View this post on Instagram

LOOK: A new GMA series is in the works! Stay tuned. ????

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl) on

Tinapos muna kasi ng Pambansang Bae ang lahat ng commitments niya sa Hello, Love, Goodbye, ang pelikula nila ni Kathryn Bernardo.

Pagkatapos ng mga promo guesting, mall show, at block screenings ng unang movie project niya sa Star Cinema, mag-uumpisa na si Alden ng taping nito para sa The Gift.

Mangyayari ito bukas, August 7, 2019.

Sa Maynila ang location ng mga eksena ng The Gift at ito ang dahilan kaya nagkaroon ng courtesy call sina Alden, Betong Sumaya, Mikee Quintos, Jo Berry, at ang direktor na si LA Madridejos kay Manila City Mayor Isko Moreno noong July 23, 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
View this post on Instagram

Maraming salamat po Mayor Isko Moreno, amazing ???? #TyPoLORD #Blessing

A post shared by Alberto S. Sumaya, Jr (@amazingbetong) on

May mga hinalang si Mikee Quintos ang leading lady ni Alden sa The Gift, pero wala itong katotohanan dahil isa sa mga tindera ang role ni Mikee.

Si Jo Berry ang gaganap na guardian ng karakter ni Alden, si Elizabeth Oropesa ang lola, at si Jean Garcia ang nanay na matagal nang hinahanap ng lead character.

Cast members din ng The Gift sina Christian Vazquez, Martin del Rosario, at Rochelle Pangilinan.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close