Claudine Barretto, hindi nagustuhan ang pagsasalita ni Mommy Inday tungkol kay Julia?

IMAGE Instagram
Claudine Barretto at inang si Inday Barretto, may tampuhan dahil sa pagsasalita ng Barretto matriarch tungkol sa isyu ng apong si Julia?

Nakarating sa Cabinet Files ang balitang may tampuhan sa kasalukuyan si Claudine Barretto at ang kanyang ina na si Estrella "Inday" Barretto.

Ito ay dahil sa pagsasalita ni Mommy Inday tungkol sa pagkakasangkot ng apo niyang si Julia Barretto sa controversial breakup nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Diumano, hindi nagustuhan ni Claudine ang ginawa ng kanyang ina, na nadamay sa isyu at sa edad na 83 ay nakatikim ng mga batikos dahil sa pagtatanggol kay Julia.

Nalalaman ni Claudine ang mga panlalait sa kanyang ina dahil naka-tag siya sa mga comment ng mga basher.

Matatandaang ginamit ni Mommy Inday ang Instagram account ng TV Patrol entertainment news reporter na si Mario Dumaual para ipagtanggol si Julia at sagutin ang detractors ng kanyang apo.

May negative effective ang aksiyon ni Mommy Inday dahil siya ang pinagdiskitahan at nakatikim ng mga masasakit na paratang mula sa mga nakikisimpatiya kay Bea at sa mga nakikisawsaw sa kontrobersiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May impormasyon ding may permiso umano ni Marjorie Barretto ang pagsasalita ng kanyang ina na hanggang noong Linggo, August 4, nakikipagbalitaktakan sa detractors ng kanyang apo at sinagot ang nag-akusa na demented siya.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close