Julia Barretto, lalong nasunog sa social media pagkatapos maglabas ng statement

IMAGE Shaira Luna
May "ghost writer" nga ba si Julia Barretto sa inilabas niyang statement sa Instagram?

Hinihintay ng lahat ang sagot ni Bea Alonzo sa akusasyon ni Julia Barretto na bully siya.

Pero hindi na niya kailangang magsalita ni Bea dahil ang publiko na ang nagtatanggol sa kanya.

Ang statement ni Gretchen Barretto na may "ghost writer" ang kanyang pamangkin ang lalong nagpatindi sa mga hinalang may may crisis PR na tumutulong kay Julia para maabsuwelto ito sa pagkakasangkot sa kontrobersiyal na hiwalayan nina Gerald at Bea.

Pero imbes na makatulong, lalong sumiklab at nag-apoy ang isyu.

Sunog na sunog si Julia sa public opinion, sa social media, at sa comments section ng lahat ng mga news website na naglabas ng report tungkol sa Instagram post niya na nag-boomerang sa kanya.

Imbes na makatulong, hindi nakabuti ang pagdedeklara ni Julia ng "giyera" laban kay Bea.

Naiwasan at hindi sana ito nangyari kung pinili niyang panatilihin ang pananahimik.

Ang paglalabas ni Julia ng pahayag ang tila pagsuway niya sa kagustuhan ng mga namamahala sa career nila ni Gerald na huwag nang magsalita at hayaan na lang na kusang mamatay ang isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unwittingly, sa pagbasag niya sa kanyang katahimikan, ginawa rin ni Julia ang paratang niya laban kay Bea—ang gawing national issue ang pagkakasangkot niya sa well-publicized breakup controversy.

Isang nakakaalam naman sa tunay na pangyayari at tahimik na nag-oobserba ang nagsabing hindi totoong nililigawan ni Gerald si Julia dahil may relasyon na ang dalawa.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close