Actress A, ipinatanggal ni Actress B sa isang corporate show

by Jojo Gabinete
Aug 8, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Pinili ni Actress A na manahimik na lang nang malaman niyang ipinatanggal siya ng kapwa aktres (Actress B) sa corporate show na dapat pagsasamahan nila.

Nagtataka si Actress A sa naging aksiyon ni Actress B dahil wala siyang maisip na dahilan para hilingin ng kapwa aktres na alisin ang pangalan niya sa lineup ng performers sa corporate show.

Una, magkasama sila sa isang programa sa telebisyon.

Pangalawa, tinitiyak niyang maganda at maayos ang kanyang pakikisama kay Actress B, sa mga co-star nila, at production staff.

May kakayahan si Actress B na pumili at magpatanggal ng performer na ayaw niyang makasama dahil siya ang ambassador ng produkto na major sponsor ng corporate show.

Mula nang malaman niya ang masakit na ginawa ni Actress B, naging maingat na si Actress A.

Kapag dumarating sa set, dumidiretso na siya sa assigned tent para sa kanya at lumalabas lang kapag kailangan nang kunan ang mga eksena niya.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results