StarStruck 7 finalist Abdul Raman, suportado ng Muslim community

IMAGE GMA Network
StarStruck 7 finalist Abdul Raman thanks Muslim community for supporting his bid for stardom.

Life-changing experience para sa 16-year old na si Abdul Raman ang pagsali nito sa Season 7 ng StarStruck dahil bukod sa nakikilala na siya, nagkaroon ng malaking improvement ang talent niya.

Thirteen years old si Abdul nang umuwi siya sa Pilipinas at dito nagsimula ang kanyang pangarap na pumasok sa showbiz.

Nag-umpisa muna si Abdul sa pagiging commercial model at pagkatapos makagawa ng labintatlong television ads, ang pagpasok sa showbiz sa pamamagitan ng StarStruck ang pinagtuunan niya ng atensyon.

“Ngayon lang po ako nakasali sa ganitong klaseng show. I joined StarStruck kasi I heard na this is nationwide and sikat po talaga ang StarStruck, ever since Season 1,” kuwento ni Abdul na isang Muslim kaya suportado ng Muslim community ang kanyang StarStruck bid.

“Maraming nagsusuporta sa akin sa Muslim community. I do see them a lot sa social media.

“Just in case na hindi ako manalo, mag-audition pa rin ako sa roles, here and there, but for the meantime, itutuloy ko ang commercials.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Itong StarStruck po ang launch ng career ko. It’s a stepping stone for another level kasi noon commercials, now I’m entering real showbiz.”

Nang itanong namin sa binata kung ano na ang mga pagbabago sa buhay niya mula noong sumali siya sa reality-based artista search ng GMA-7, natutuwa niyang inamin na nakikilala na siya sa mga public place na pinupuntahan niya.

Pag-amin niya, “Minsan po, kahit walang masyadong lumalapit, alam ko yung looks na parang pamilyar ako sa kanila. Kinda scared too, baka pagkaguluhan and baka magkaroon ng problem, pero okey lang naman sa akin. I find it enjoyable.”

Naranasan na ba niyang maging biktima ng bashing?

Mabilis niyang tugon, “Yeah, a lot po. My height, my appearance. Madalas na sinasabi sa akin na pogi lang yan, wala naman talent. Dapat tinanggal na yan noon pa.'"

Bakit naman naging issue ang height niya?

“Kasi po compared to others, I’m one of the shortest daw but I don’t mind. Hindi ko naman pinapansin ang ganoon. Mas binibigyan ko ng pansin ang constructive criticism,” lahad ni Abdul.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close