Kakai Bautista, nagsimula bilang wardrobe assistant ni Lea Salonga

IMAGE Noel Orsal / Instagram
Kakai Bautista treasures her pre-showbiz years when she worked as Lea Salonga's wardrobe assistant.

Ang trabaho niya bilang wardrobe assistant ni Lea Salonga sa musical play na They’re Playing Our Song, na itinanghal sa AFP Theatre noong July 2000, ang isa sa mga ikinuwento ng comedienne/singer na si Kakai Bautista sa presscon ng And Ai Thank You, ang drama-comedy movie na pinagbibidahan ni Ai-Ai delas Alas at produksiyon ng Reality Entertainment Inc.

Ang kaibigan ni Kakai na si Frannie Zamora ang nagpasok sa kanya para maging tagabihis ni Lea sa nabanggit na musical play.

“Wardrobe assistant ako, may wardrobe mistress kami.

"Ang alam ko, eight months ako na wardrobe assistant dahil nagkaroon pa kami ng pre-prod.

“Ako yung nagbibihis sa kanya sa wings, ang daming costume changes,” kuwento ni Kakai tungkol sa pag-uumpisa niya sa showbiz.

Nang maging artista si Kakai, hindi pa rin siya nalilimutan ni Lea dahil ito pa ang unang bumabati sa kanya kapag nagkikita sila.

“Nagkikita kami sa mga event. Minsan, siya pa ang bumabati sa akin. Sabi niya, ‘Why are you here?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ba, Inglesera yun? Happy siya.

"The last time na nagkita kami was concert ni Jed Madela, she was there.

“Sabi niya, ‘I’m going to watch you.’

“My God, Manang, nasa unahan pa siya. Sobrang kinakabahan ako kasi nanonood siya.”

Ayon kay Kakai, hindi niya naramdaman ang pagiging international star ni Lea dahil marunong itong makisama sa lahat.

“Si Manang kasi—Manang ang tawag namin sa kanya—hindi ko naramdaman na si Lea Salonga siya... na galing siya sa Saigon, na siya ang first-ever Kim.

“After ng Miss Saigon, umuwi siya ng Pilipinas and  then, she did They’re Playing Our Song. Siyempre starstruck ako.

“Oo, fan ako ni Miss Lea, pero nung time na yun, kaka-start ko pa lang sa theater.

“Sina Adrian Pang at Michael Lee ang leading men niya. Naging sila ni Michael Lee. Masaya kami lahat kasi happy siya noon.

“Mga sikat sina Adrian at Michael sa Singapore that time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Eventually, nalaman ni Lea na may boses si Kakai dahil sinabi ng kanilang mga kasamahan sa They’re Playing Our Song na marunong kumanta ang kanyang wardrobe assistant.

“Nahihiya akong kumanta sa harapan niya. Hindi niya naririnig, kami-kami lang.

"Pero eventually, narinig niya na face-to-face kasi sabi nila, ‘She can sing, she can sing.’

“First time na narinig  niya ako na kumanta, 'On the Wings of Love.' Fan na fan ako ni Regine Velasquez, di ba? So yun ang kinanta ko.

"Sabi niya, ’You can sing, girl!’

“Simula noon, lagi ko na siyang kinakantahan.

"Ginagaya  ko yung mga kanta niya, natatawa lang siya,” pagbabalik-tanaw ni Kakai tungkol sa nakaraan nila ni Lea.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close