Lexi Gonzales, hindi pinagsisisihan ang pagtawag na "backstabber" kay Rere Madrid

by Jojo Gabinete
Aug 12, 2019
Friends na raw ulit ang StarStruck contestants na sina Lexi Gonzales (kaliwa) at Rere Madrid.
PHOTO/S: Noel Orsal / Twitter

Ang pagiging feisty at prangka ang mga ugali ni Lexi Gonzales na unang napapansin ng kanyang mga nakakausap.

Si Lexi ang 19-year-old StarStruck Season 7 contestant na nakaranas na maging bashing victim dahil sa kanyang sinabi noon na "backstabber" si Rere Madrid, ang eliminated StarStruck contestant na kapatid ng aktor na si Ruru Madrid.

May mga naniniwala na ang backstabber issue ang tunay na dahilan ng maagang pagkawala ni Rere sa reality-based artista search ng GMA-7 dahil marami ang nadismaya sa kanyang ugali.

Kahit nakatikim ng mga masasakit na salita, hindi pinagsisisihan ni Lexi ang sinabi niya tungkol kay Rere dahil nagsabi lamang daw siya ng katotohanan.

Pahayag niya, "Ang sa akin naman po, ang nasabi ko, nasabi ko na.

"Kumbaga, hindi ko na po maibabalik yun.

"Ang sa akin po, nagsabi lang ako ng totoo.

"Sinabi ko lang yung nararamdaman ko kaya wala po akong pinagsisisihan."

Nanindigan si Lexi na magkaibigan na uli sila ni Rere.

Continue reading below ↓

"That was in the past, naging okey na po kami ni Rere.

"Nag-usap na po kami and ngayon, friends pa rin po kami ni Rere. Na-clear na po namin lahat.

"Nag-sorry na po kami sa isa’t isa. Nag-hug po kami, 'tapos ngayon, we’re very good friends pa rin."

Inamin ni Lexi na ang bashing na nag-ugat sa kanyang pahayag na backstabber si Rere ang pinakamasakit na natikman niya.

"Ang pinaka-unfair, yung plastic daw po ako.

"For me, yun ang pinaka-unfair dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi totoo."

Kung sakali naman na hindi siya palaring manalo sa Season 7 ng StarStruck, nangako si Lexi na ipagpapatuloy pa rin niya ang mga natutunan mula sa contest na kanyang sinalihan.

"Siyempre, hindi po titigil ang improvement sa sarili, workshops, training para makakuha ng more projects."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Friends na raw ulit ang StarStruck contestants na sina Lexi Gonzales (kaliwa) at Rere Madrid.
PHOTO/S: Noel Orsal / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results