Alfred Vargas, muntik nang maabutan ng protesta sa Hong Kong Airport

by Jojo Gabinete
Aug 12, 2019
Alfred Vargas on shooting a movie in Hong Kong: "The challenge was to shoot kung saan walang rally kaya iwas kami nang iwas at nakatutok sa balita."
PHOTO/S: Instagram

Kanselado ang departing flights sa Hong Kong nitong August 12 ng hapon, Lunes, dahil sa anti-government protesters na nagdaos ng kanilang demonstrasyon sa international airport.

Masuwerte ang grupo ni Alfred Vargas at ng direktor na si Mac Alejandre dahil maaga ang return flight nila sa Pilipinas mula sa Hong Kong kaya hindi naapektuhan ang kanilang biyahe.

Apat na araw na nanatili sa Hong Kong sina Alfred, Shaina Magdayao, Direk Mac, at ang production crew dahil kinunan sa naturang bansa ang mga importanteng eksena para sa pelikula na ginagawa nila, ang MNL-HK-NY.

Kuwento ni Alfred sa Cabinet Files, "The shoot in Hong Kong was relatively okay. Siguro sinuwerte rin kami.

"Nakuha ni Direk Mac ang mga shot na gusto niya. We shot for four days.

"The challenge was to shoot kung saan walang rally kaya iwas kami nang iwas at nakatutok sa balita.

"We adjusted the sequence breakdown accordingly. Buti na lang flexible ang production.

Continue reading below ↓

"Organized ang mga rallies sa Hong Kong. May schedule at lugar na sinusunod at mabait sila sa mga tourista.

"Tuloy ang buhay sa areas na walang rally.

"Wala naman kaming na-encounter personally na natakot kami, thank God.

"Mas nahirapan kami na mag-shoot because of the extreme dry heat.

"I had headaches ‘coz of dehydration so we had to watch our water intake."

OFWS IN HONG KONG

Hindi lamang ang shooting ng MNl-HK-NY ang achievement ni Alfred dahil tiniyak niyang nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap nang personal ang mga kababayan natin na nagtatrabaho sa Hong Kong.

Saad niya, "I made it a point to visit the OFW community in Chater Road last Sunday, August 11.

"I was delighted to see that they were okay and well. Tuloy din ang buhay nila with or without the rallies.

"They just want to earn a living and be able to support their families here in the Philippines.

Continue reading below ↓

"They are just concerned na kapag naapektuhan nang matindi ng rallies ang economy, baka sila naman ang mawalan ng trabaho.

"Natuwa naman ako dahil very warm ang welcome nila sa akin. They didn’t expect kasi na may bibisita.

"Some were even calling me 'Aquil' dahil naaalala pa nila ang Encantadia.

"I talked to them and assured them na makakarating sa mga kinauukulan ang concerns nila.

"Then I sang 'Buwan' for them at natuwa naman sila.

"This visit with the OFW community made me realize more how admirable they are.

"At the end of the day, lahat naman tayong mga Pilipino, gagawin natin ang lahat para sa pamilya. Even if it means facing danger and uncertainty.

"‘Yan ang puso ng Pinoy."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alfred Vargas on shooting a movie in Hong Kong: "The challenge was to shoot kung saan walang rally kaya iwas kami nang iwas at nakatutok sa balita."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results