Aiko Melendez, pinaghandaan ang pagbabalik sa GMA-7

IMAGE Noel Orsal
Aiko Melendez: "It’s great to be back here in GMA because everyone was very welcoming. Yung walang isyu at all, walang tanungan na taga-doon ka sa kabila, galing ka sa ganoon."

Isang physically fit, sexy, at blooming na Aiko Melendez ang sumipot sa presscon ng Prima Donnas na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center nitong Martes ng gabi, August 13, 2019.

Obviously, pinaghandaan ni Aiko ang pagbabalik nito sa Kapuso Network na tahanan niya mula 1995 hanggang 1998 nang maging mainstay siya ng gag show na Bubble Gang.

"Wilder and bolder" ang may pagbabantang sagot ni Aiko nang tanungin tungkol sa mga dapat asahan sa challenging character na gagampanan niya sa afternoon drama series ng GMA-7 na magsisimula sa darating na Lunes, August 19.

Dahil nasanay ang publikong napapanood si Aiko sa mga programa ng ABS-CBN, isyu sa kanila ang paglipat ng multi-awarded actress sa GMA-7.

Pero nilinaw ni Aiko sa presscon ng Prima Donnas na walang bad blood sa pagitan nila ng Kapamilya Network.

"Wala naman akong bad blood with ABS-CBN.

"Sa mga hindi nakakaalaala po, nag-start ako sa GMA via Bubble Gang po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit din ni Aiko na ipinagdasal niya sa Diyos ang pagkakaroon ng bagong TV show.

Matagal na hindi nagtrabaho si Aiko dahil tumulong siya sa kampanya ng kanyang boyfriend na si Jay Khonghun, na pinalad namang mahalal na bise gobernador ng Zambales province sa midterm polls noong May 2019.

"So, sabi ko, 'Lord, bigyan Niyo po ako ng isang proyekto na gusto kong gawin na bago. Na parang new journey ko.'

"Hindi ko alam na yung new journey ko after nine years will be here in GMA.

"It’s great to be back here in GMA because everyone was very welcoming.

"Yung walang isyu at all, walang tanungan na taga-doon ka sa kabila, galing ka sa ganoon.

"Sa kanila, bibigyan ka nila ng work at bibigyan ka ng importansiya kaya nagpapasalamat po ako sa GMA-7 dahil tinanggap nila ako nang buong puso," kuwento at pasasalamat ni Aiko.

Hindi maitatangging maligaya ngayon si Aiko dahil bakas sa kanyang magandang mukha ang nararamdamang kapayapaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close