Young lead stars ng Prima Donnas, hindi makaiyak kapag may contact lens

IMAGE Noel Orsal

Si Gina Alajar ang direktor ng Prima Donnas.

Nagpapasalamat siya kay Chanda Romero dahil ito ang nagturo sa young female cast ng upcoming afternoon drama series ng GMA-7 sa paggamit ng lubricant para hindi masaktan sa paggamit ng contact lens.

Isiniwalat ni Gina sa presscon ng Prima Donnas na pare-parehong malalabo ang mga mata nina Jillian Ward, Sofia Pablo, at Elijah Alejo kaya nahirapan silang umiyak sa tuwing kailangan sa eksena dahil sa mga suot na contact lens.

Ang isa pang bidang young actress ay si Althea Ablan.

Kuwento ng actress-director, "Madali silang umiyak.

"Ang problema sa kanila, tatlo sa kanila, malabo ang mata—si Elijah, si Jillian at si Sofia.

"As in, ang nakikita lang nila, wala, kapag ganito kalapit.

"Hindi sila puwedeng magsalamin, walang problema sa iyakan.

"Actually, isang kembot lang, meron nang luha, kaya lang tinatanggal nila yung salamin nila.

"Kapag tinatanggal na yung salamin nila, wala silang nakikita, as in blank wall ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, sinasabi ko, 'Maglagay kayo ng contact lenses.' E, mga bata pa sila, hindi sanay mag-contact lenses.

"E, kapag may contacts, mahirap umiyak dahil sinisipsip ng lenses yung luha, so it’s a challenge.

"So, dumating kami dun sa punto na, 'Okay, bago kayo umiyak, ka-cut tayo, aalisin ninyo yung contact lens niyo.'

"Napagalitan ko si Elijah, e, kasi sabi niya, ‘Sandali lang ho, sandali lang ho, hindi ako makaiyak.’

"'Bakit hindi ka makaiyak?' 'Kasi ho,naka-contacts ho ako.'

"Sabi ko, 'Hindi. Ngayon, umiyak ka na!'

"'Tapos, tinatanggal [ang contact lens]at saka iiyak.

"Pagkatapos ng eksena, another scene, ilalagay na naman nila para may makita sila.

"So, ganoon nang ganoon, but then, ang babait naman ng mga batang ito.

"Nakakuha sila ng tip kay Chanda Romero who also wears contact lenses.

"Meron silang inilalagay ngayon na lubricant para hindi matuyo yung mga mata nila and, boy, si Jillian, ngayon, nakakaiyak na with contact lenses at talagang dire-diretsong iyak," walang pause na kuwento ni Gina tungkol sa problema sa mga mata ng mga bida ng Prima Donnas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close