Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Kim Chiu at Maja Salvador, kinalimutan ang dalawang taon sa buhay nila

by Jojo Gabinete
Aug 17, 2019
Kim Chiu on renewed friendship with Maja Salvador: "May mga taong nagho-hold ng grudges, may taong hindi. So, masaya ako na kaming dalawa, hindi kami nagho-hold ng grudges."
PHOTO/S: @chinitaprincess and @iammajasalvador on Instagram

Hindi inaasahan nina Kim Chiu at Maja Salvador na magiging mainit at positive ang reaksiyon ng publiko sa mga Instagram post nila tungkol sa kanilang renewed friendship at recent bonding sa Amerika.

Sinabi ni Kim sa interbyu sa kanya na nakatutuwang may nangyari na ganoon "after so many years of blah-blah."

Patuloy niya, "Dahil ngayon, love love na ang nangingibabaw.

"Kami naman ni Maja, hindi na namin pinag-uusapan.

"Parang kinalimutan na namin yung dalawang taon na yun.

"Parang ang galing lang, kung bibilang ka ng 1 to 5, hindi na kasali yung 3 and 4; 1, 2, 5, parang ganoon.

"Parang nakakatuwa, hindi naman lahat ganoon.

"May mga taong nagho-hold ng grudges, may taong hindi.

"So, masaya ako na kaming dalawa, hindi kami nagho-hold ng grudges.

"Sobra po siyang happy and masaya naman ako for her.

"At malapit na ang birthday niya kaya palagi kong sinasabi sa kanya, HAPPY birthday.

Continue reading below ↓

"Masaya naman ang lahat. Mas masaya kapag masaya lahat ng tao," pahayag ni Kim.

REUNITED WITH XIAN

Reunited si Kim sa kanyang real-life boyfriend na si Xian Lim sa upcoming drama series na Love Thy Woman.

Matagal na hindi nagkasama sa mga project sina Kim at Xian kaya may paninibago silang naramdaman nang magsimula ang taping nila para sa kanilang bagong TV assignment.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nalungkot naman si Kim nang malaman nitong nag-resign sa Love Thy Woman ang kanilang co-star na si Erich Gonzales.

Reportedly, hindi nagustuhan ni Erich na kontrabidang-kontrabida ang role niya sa Love Thy Woman dahil hindi ito ang unang napag-usapan kaya nagpaalam na lamang siya sa programa.

Sabi ni Kim, "Una, nalungkot, hindi rin siya nakapagpaalam sa amin.

"Staff na lang ang nagsabi na wala na siya so hindi na rin namin inano, siyempre respeto na rin kung yun ang gusto niyang mangyari o desisyon.

"Siyempre lahat kami, hindi namin alam what really happened, kung ano yung reason niya.

Continue reading below ↓

Si Yam Concepcion ang pumalit sa role ni Erich.

Ani Kim, "Excited ako to work with her [Yam] kasi napanood ko rin siya sa Halik.

"Sobrang intense niya doon so mas matsa-challenge ako in terms of acting."

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu on renewed friendship with Maja Salvador: "May mga taong nagho-hold ng grudges, may taong hindi. So, masaya ako na kaming dalawa, hindi kami nagho-hold ng grudges."
PHOTO/S: @chinitaprincess and @iammajasalvador on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results