StarStruck 7 hopeful Jeremy Sabido, mami-meet muli ang nang-abandonang ama

by Jojo Gabinete
Aug 18, 2019
Muling magtatagpo sina Jeremy Sabido at ang amang umiwan sa kanya ang kanyang mga kapatid ngayong gabi sa StarStruck Season 7.
PHOTO/S: @iamjeremysabido on Instagram

Malalaman ngayong gabi sa Season 7 ng StarStruck ang magiging kapalaran ni Jeremy Sabido, ang 21-year-old aspiring actor mula sa Liliw, Laguna.

Hindi naiiba si Jeremy sa ibang mga StarStruck hopeful dahil estranged din siya sa kanyang biological father.

In fact, alam ng Wowowin at Magpakailanman viewers ang life story ni Jeremy dahil naging contestant ito sa game show ni Willie Revillame sa GMA 7 at dito niya ikinuwento ang malungkot na pangyayari sa buhay nila ng kanyang mga kapatid.

Jeremy Sabido

Continue reading below ↓

Ulila sa ina, may tatlong kapatid si Jeremy, at walong taong gulang ito nang basta na lamang silang iniwanan ng kanilang ama sa isang hotel.

Very close si Jeremy sa tatay nito kaya nag-iwan ng malaking trauma ang pag-abandona ng kanyang ama sa kanila ng mga kapatid niya.

Mapalad pa rin si Jeremy at ang mga kapatid nito dahil inampon siya ng isang good Samaritan mula sa Liliw, Laguna na nagpalaki sa kanya at nagpaaral.

Ang mga kapatid naman ng good Samaritan ang nag-ampon sa mga kapatid ni Jeremy.

Nag-viral sa social media ang pagsali ni Jeremy sa Wowowin dahil sa heartbreaking at inspiring story nila ng kanyang mga kapatid. Ang Wowowin appearance ni Jeremy ang dahilan kaya na-feature ang kuwento ng kanyang buhay sa Kapuso Mo Jessica Soho at isinadula ng Magpakailanman noong August 2017.

Ang staff ng Magpakailanman ang nag-udyok kay Jeremy na sumali sa Season 7 ng StarStruck at ang staff ng reality-based artista search ng Kapuso Network ang gumawa ng paraan na pagtagpuin sila ng kanyang ama.

Continue reading below ↓

Mapapanood ngayong gabi sa StarStruck ang reconciliation ni Jeremy at ng kanyang estranged biological father na may iba nang pamilya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Muling magtatagpo sina Jeremy Sabido at ang amang umiwan sa kanya ang kanyang mga kapatid ngayong gabi sa StarStruck Season 7.
PHOTO/S: @iamjeremysabido on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results