Showbiz personality, lulong sa anti-depressant drugs

by Jojo Gabinete
Aug 24, 2019

Walang katotohanan ang kuwento ng isang showbiz personality na nainterbyu siya ng PEP.ph tungkol sa pagkakaroon niya ng nervous breakdown at confinement sa ospital.

Ang kanyang kamag-anak ang sinisisi ng showbiz personality na nagparating sa PEP.ph ng kalagayan niya.

Pero ang totoo, walang sinuman sa staff ng PEP.ph ang nakausap siya.

Matagal nang balita na hooked ang showbiz personality sa anti-depressant drugs kaya hindi na normal ang kanyang mga sinasabi at ikinikilos.

In fact, tinatanggihan na siya ng mga doktor sa ospital na nakapansin na nagiging bisyo na niya ang pagpapaturok ng anti-depressant drugs.

Sa tuwing tinuturukan ng anti-depressant drugs ang showbiz personality, may mga insidenteng tatlong araw siyang tulog at tatlong araw na gising.

Ang erratic behavior ng showbiz personality ang dahilan kaya hindi na siya nabibigyan ng TV at movie assignment.

Natatakot ang mga movie at TV producer na kunin ang serbisyo ng showbiz personality na hindi nawawalan ng imaginary illness dahil alam nila na parang kumuha sila ng bato na ipupukpok sa kanilang sarili.

Continue reading below ↓

Nilalayuan na rin ang showbiz personality ng mga kaibigan niya dahil punumpuno siya ng negativity, mabigat kasama, at napakadali sa kanya ang magsinungaling.

Kahit ang pamilya ng showbiz personality, hindi na pinaniniwalaan ang mga sinasabi niya dahil siya rin ang patuloy na sumisira sa kanyang credibility.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results