Candidate na may autism, di nakakuha ng puwesto sa Mr. World 2019; All Gender Restroom sa Big Dome, kapansin-pansin

by Jojo Gabinete
Aug 24, 2019
(Left photo) Mr. Canada Alessandro Coward; (right) the all gender restroom inside the Araneta Coliseum.
PHOTO/S: Missosology / Jojo Gabinete

May positive effect ang kontrobersiyang nangyari noong August 13, 2019 sa Farmer’s Plaza na kinasangkutan ng isang janitress at transgender woman dahil sa aksiyon na ginawa ng Araneta Center Group management.

Sister company ng Farmer’s Plaza Mall ang Smart Araneta Coliseum kaya hindi na kami nagtaka nang makita namin sa loob ng Big Dome ang All Gender Restroom sa aming coverage ng Mr. World 2019 na ginanap kagabi, August 23.

Continue reading below ↓

Marami ang bilang ng trans women na nakita naming nanood ng grand coronation night ng Mr. World.

Sa harap ng stage ang aming puwesto kaya dinig na dinig namin ang sigawan at hiyawan ng gay audience na malalaswang salita ang lumalabas mula sa kanilang mga bibig.

Sa 72 official candidates ng Mr. World 2019, si Mr. Canada Alessandro Coward ang isa sa mga may pinakamaraming publicity dahil sa kanyang pag-amin na autistic siya.

Pero hindi ito sapat para magkaroon ng puwesto ang official representative ng Canada.

Maka-ina ang karamihan sa mga contestant ng Mr. World 2019 gaya nina Mr. Dominican Republic Alejandro Martinez at Mr. Mexico Brian Faugier.

Ikinuwento ng dalawa ang sobrang pagmamahal sa kanilang mga nanay, na tiyak na tuwang-tuwa dahil nagkaroon ng puwesto sa nilahukang contest ang mga anak nila.

Si Faugier ang second runner-up at si Martinez naman ang Caribbean Continental Zone winner.

HOSTS AND PERFORMERS

Ang real-life lovers na sina Megan Young at Mikael Daez ang mga host ng Mr. World 2019.

Continue reading below ↓

Maraming beses nang naging emcee si Megan sa mga nakaraang Miss World beauty pageants kaya wala nang mababakas na kaba sa hosting job niya.

Mas maganda at confident din ngayon si Megan kung ikukumpara nang manalo siyang Miss World noong 2013.

Sina Alyssa Muhlach Alvarez at Kris Lawrence naman ang dalawa sa mga talent ng ALV Talent Circuit na nag-perform sa Mr. World 2019.

Si Alyssa ang reigning Reina Hispanoamericana Filipinas at ipinakita nitong may powerful voice siya nang kantahin niya ang "Never Enough."

Bruno Mars medley naman ang ipinamalas ni Kris, na ipinakilala bilang Prince of R&B, ang title na dating hawak ng kanyang kaibigan at former housemate na si JayR.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left photo) Mr. Canada Alessandro Coward; (right) the all gender restroom inside the Araneta Coliseum.
PHOTO/S: Missosology / Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results