Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Ama ni Julia Barretto at ina ni Gerald Anderson, magkaiba ng paraan sa pagharap sa isyu

by Jojo Gabinete
Aug 26, 2019
Kung pinili ni Dennis Padilla na huwag gaanong magsalita upang protektahan ang anak na si Julia Barretto, nagpakawala naman ng maaanghang na salita ang ina ni Gerald Anderson na si Evangeline Opsima.
PHOTO/S: Noel Orsal / Screen grab from TV Patrol Mindanao

A Tale of Two Parents.

Apparently, walang nagpaalaala kay Evangeline Opsima na may katotohanan ang proverb na "Let sleeping dogs lie" kaya nagsalita siya laban kay Bea Alonzo, kahit pahupa na ang kontrobersiyang maraming linggo nang pinagpipistahan ng publiko.

Si Opsima ang ina ni Gerald Anderson na ginamit na dahilan ang pagiging ina para makapagbitaw ng maaanghang na salita laban sa ex-girlfriend ng kanyang anak.

Pinatawan din ni Opsima ng sentensiya ang budding romance ni Gerald kay Julia Barretto dahil sa kanyang deklarasyon na hindi nagtatagal ang relasyon ng dalawang tao na kapwa nasa iisang industriya.

Muling binuhay ni Opsima ang isyu dahil sa kanyang pagpapainterbyu na hindi maganda ang epekto dahil sa mga batikos na natatanggap niya mula sa mga taong nakikisimpatiya kina Bea at Julia.

Tinularan na lang sana ni Opsima si Dennis Padilla, ang ama ni Julia.

Si Gerald ang showbiz personality, hindi ang kanyang ina, pero nagsalita ito sa harap ng television camera, kahit maaari siyang tumanggi kahit anong pangungulit ang gawin ng press.

Continue reading below ↓

Aktor si Dennis. Noong kainitan ng Gerald-Bea-Julia controversy, siya ang hinahabol at kinukulit ng mga reporter para magsalita.

Hindi nagpatinag si Dennis dahil pinili nitong manahimik bilang respeto sa kanyang anak na pinakiusapan siyang huwag magpainterbyu.

Isinakripisyo noon ni Dennis ang presscon ng And Ai, Thank You, ang pelikula nila ni Ai-Ai delas Alas dahil bukod sa kainitan ng isyu, ayaw niyang masapawan ng kontrobersiya ang proyektong ipinu-promote nila.

Napilitan lang si Dennis na magsalita sa presscon ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo ng Viva Films dahil, una, pahupa na ang isyu at, pangalawa, hindi na puwedeng hindi niya siputin ang event dahil sila nina Janno Gibbs at Andrew E. ang mga bida ng pelikula.

Kung ang pagiging ina ang justification ni Opsima sa pagsasalita nito, may karapatan din si Dennis na gamitin ang pagiging ama para ipagtanggol si Julia at magsalita laban kay Gerald, pero hindi niya ginawa.

Nang makapanayam si Dennis sa presscon ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo, naging matipid siya sa pagsasalita dahil ang kapakanan ni Julia ang kanyang priority at ni minsan, walang sinabi ang aktor laban kay Gerald.

Continue reading below ↓

Kinumpirma lang ni Dennis na totoo ang report na inilabas ng PEP.ph na nagkausap sila ni Gerald sa cellphone.

Lumitaw ang katotohanang nagpadala si Dennis ng text message kay Gerald, pero ito ang tumawag sa kanya sa cellphone, hindi siya.

Mali ang haka-haka ng mga tao sa paligid ni Gerald na nagpainterbyu si Dennis sa PEP.ph dahil clueless nga ito kung bakit nalaman ng media ang kanilang pag-uusap.

Nang lumabas ang report ng PEP.ph, si Bea naman ang nakausap ng mga miyembro ng media sa story conference ng bagong drama series niya sa ABS-CBN.

Dito niya sinabi ang kanyang classic na ngayong dialogue na “To my understanding, we did not break up. He just started not talking to me.”

Kontra ito sa deklarasyon ni Gerald kay Dennis na hiwalay na sila ni Bea at nililigawan niya si Julia.

Bilang ama ni Julia, may karapatan si Dennis na mabahala sa interview ni Bea dahil iba ang sinabi sa kanya ni Gerald and yet, hindi siya nagbitaw ng masasakit na salita laban sa aktor sa panayam sa kanya sa presscon ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo.

Continue reading below ↓

Kung tutuusin, may mga valid reason si Dennis para kumprontahin si Gerald dahil pagkatapos na lumabas ang interview kay Bea, hindi na sinagot ni Gerald ang lahat ng mga text message sa kanya ni Dennis na nagmistula na biktima rin ng ghosting.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung pinili ni Dennis Padilla na huwag gaanong magsalita upang protektahan ang anak na si Julia Barretto, nagpakawala naman ng maaanghang na salita ang ina ni Gerald Anderson na si Evangeline Opsima.
PHOTO/S: Noel Orsal / Screen grab from TV Patrol Mindanao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results