Aktor, nagpaalam sa TV show para bumalik sa rehab

by Jojo Gabinete
Aug 29, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Malalaman sa mga susunod na araw ang katotohanan tungkol sa pagpapaalam ng aktor sa mga kasamahan niya sa isang TV show.

Reportedly, sinabi ng aktor sa production staff na babalik siya sa rehabilitation center.

Ito ang dahilan ng pag-alis niya sa programa na nagbigay sa kanya ng magagandang karanasan at alaala.

Diumano, nagbitaw ng salita ang aktor na kung sakaling kailangan pa siya sa mga eksena ng TV show na kanyang iiwanan, puwedeng lumabas siya mula sa rehabilitation center dahil tiyak na papayag ang administration official.

Matagal-tagal pa ring mapapanood ang mga eksena ng aktor sa TV show dahil sa mga advance taping niya.

Kung totoo man na muling babalik sa rehabilitation center ang aktor, magandang senyales ito na talagang gusto na niyang magtuluy-tuloy ang pagbabagong-buhay dahil kusang-loob ang kanyang pasyang humingi ng professional help.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results