Gil Cuerva, magpapagupit ng buhok kung kailangan

by Jojo Gabinete
Aug 29, 2019
Gil Cuerva: "Sino ba ako to turn down something just because ayokong magpagupit ng buhok?"
PHOTO/S: Noel Orsal

Limang taon nang mahaba ang buhok ni Gil Cuerva.

Kaya sa tuwing may mga presscon para bagong TV projects niya, ang pagpapagupit ang madalas na itinatanong sa kanya.

Sa recent presscon ng Beautiful Justice, ang pagpapaiksi ng buhok ang muling itinanong kay Gil.

Sagot niya, "Sooner than you think.

"Of course, I want this [his long hair] to be my trademark but if I need to cut my hair…

"I’m a PDEA agent here.

"Mabuti na lang, masuwerte ako na may mga PDEA agent na mahaba ang buhok.

"Pero let’s say, na-cast ako sa Descendants of the Sun, siyempre kailangan military look.

"Let’s say, binigyan ako ng opportunity to be there, 'tapos tinanggihan ko?

"I would definitely cut my hair.

"Kasi sino ba ako to turn down something just because ayokong magpagupit ng buhok?"

Bilang isang PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) agent sa Beautiful Justice, required si Gil na magkaroon ng mga action stunt.

Continue reading below ↓

Pero kung siya raw ang papipiliin, gusto niyang maging leading man sa mga romantic-comedy series tulad ng kanyang ginampanan sa Philippine adaptation ng Koreanovela na My Love from the Star na napanood sa GMA-7 noong 2017.

"First project ko, naging bida ako so malaking blessing yun, at the same time, pressure din to keep up sa peers ko.

"Hopefully, Beautiful Justice will give me the opportunity to hone my talent sa action.

"Pero kung papipiliin ako, I really want na in the future, bigyan uli ako ng chance to do a romcom, leading man in a romcom.

"I feel comfortable doing romcoms pero game din ako sa action.

"Excited ako sa action, maraming fight scenes, nakaka-astig tingnan," sabi ni Gil.

Tatlong taon na ang showbiz career ni Gil kaya binigyan niya ng reward ang sarili sa pamamagitan ng kanyang mga biyahe sa iba’t ibang bansa.

"Madalas ako nagta-travel. Recently, I went to Japan and Portugal.

Continue reading below ↓

"That’s my way of rewarding myself. Siyempre, malaking gastos yun."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gil Cuerva: "Sino ba ako to turn down something just because ayokong magpagupit ng buhok?"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results