Aktres, iiwan na ang Pilipinas matapos walang mangyari sa showbiz career

by Jojo Gabinete
Aug 29, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Hinihintay na lamang ng isang aktres ang mga dokumentong kailangan niya para makaalis na siya sa Pilipinas.

After ten years, tahimik na iiwan ng aktres ang kanyang showbiz career para sa bagong kabanata ng buhay niya.

Plano ng aktres na mag-focus sa culinary studies sa Europe.

Maluwag sa dibdib niyang tinanggap na iba ang kapalarang itinakda para sa kanya.

Nakapanghihinayang ang desisyon ng aktres na mag-quit sa showbiz dahil isa siya sa mga pinakamagaling umarte sa kanyang mga kasabayan sa industriya.

Kahit ano ang role na ibigay sa aktres, nagagampanan nito nang buong husay at kadalasan, hindi sinasadyang nasasapawan niya ang kasama sa eksena dahil sa kanyang natural acting ability.

Naranasan na ng aktres na magbida sa pelikula at maging leading lady sa mga TV series, pero mailap pa rin sa kanya ang stardom.

Kung kailan wala nang atrasan ang pagpapaalam ng aktres sa entertainment industry, saka naman dumarating ang mga tempting offer sa kanya tulad ng isang regular TV show.

Continue reading below ↓

Pero buo na ang pasya ng aktres na talikuran ang local entertainment industry kaya tinanggihan niya ang lahat ng mga alok sa kanyang television assignment.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results