Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Cuddle Weather, base sa kuwento ng mga pokpok

by Jojo Gabinete
Aug 30, 2019
(L-R) Cuddle Weather director Rod Marmol, lead actress Sue Ramirez, Regal producer Mother Lily Monteverde, and lead actor RK Bagatsing.
PHOTO/S: Noel Orsal

“Bakla po ako, Mother,” ang prangkang sagot ng 28-year-old director na si Rod Marmol nang itanong sa kanya ni Regal Entertainment, Inc. producer Mother Lily Monteverde kung may anak na siya.

Si Rod ang direktor ng Cuddle Weather, ang official entry ng movie company ni Mother Lily sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimula sa September 13, 2019.

Tungkol sa buhay ng male and female prostitutes ang kuwento ng Cuddle Weather.

Mga bida ng pelikula sina Sue Ramirez at RK Bagatsing.

Ikinuwento ni Rod na halos 20 ang bilang ng mga "pokpok" na ininterbyu niya para mabuo ang kuwento ng Cuddle Weather—may UP student, may anak ng heneral, at may isang nagbebenta ng aliw na hindi lingid sa kaalaman ng kanyang ina ang source of income niya.

In short, base sa mga tunay na pangyayari ang mga eksena sa Cuddle Weather dahil sa mga resource person na nakausap ni Rod at pumayag na ibahagi ang kanilang mga karanasan sa flesh trade.

Continue reading below ↓

Walang nabanggit si Rod kung may nainterbyu siyang artista na sideline ang pagbebenta ng panandaliang aliw.

Kung meron man, tiyak na hindi sila aamin, tulad ng isang singer-actress na tuluyan nang binura ang kanyang madilim na nakaraan.

Noong struggling star pa lamang ang singer-actress, P150,000 ang talent fee na siningil niya mula sa isang mayamang businessman.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ngayon, mapagmalaki na ang singer-actress dahil nagkaroon siya ng pangalan sa entertainment industry pero mababa pa rin ang tingin sa kanya ng mga tao na nakakaalam ng dark past niya.

Katas naman ng Brunei ang malaking bahay na ipinatayo ng isang aktres.

Pero tulad ng singer-actress, ibinaon na rin nito sa kahapon ang isang bahagi ng kanyang buhay na pinakaiingatan niyang huwag mabulgar.

Tulad ng karakter ni Sue sa Cuddle Weather, nakahanap ng mga lalaking tunay na nagmahal sa kanila ang mga female celebrity.

Pero ang kaibahan lang, naglinis-linisan sila at naging mapagmalaki sa kapwa.

Continue reading below ↓

Hindi sila kasali sa kategorya ng mga prostitute na hinahangaan ni Sue—ang mga pokpok na nagsakripisyo para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya pero nananatiling mapagkumbaba.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Cuddle Weather director Rod Marmol, lead actress Sue Ramirez, Regal producer Mother Lily Monteverde, and lead actor RK Bagatsing.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results