Vice Ganda, pinagsabihan ang Tawag ng Tanghalan contestant dahil sa tweet nito laban kay Louie Ocampo

by Jojo Gabinete
Aug 31, 2019
Vice Ganda reprimands Tawag ng Tanghalan contestant Shantal Cuizon for her cryptic, offensive tweets directed at composer Louie Ocampo. She later apologized for her act on national television.
PHOTO/S: Screen grab from ABS-CBN

Nakatanggap ng pangaral mula kay Vice Ganda ang Tawag ng Tanghalan Quarter 4 semi-finalist na si Shantal Cuizon sa live broadcast ng It's Showtime ngayong Sabado, August 31, 2019.

Nagsimula noong Lunes, August 26, ang Quarter 4 semi-finals ng singing contest ng It’s Showtime.

Sa pitong mga contestant, si Cuizon ang madalas na mabilangan ni Louie Ocampo, ang punong hurado ng Tawag ng Tanghalan.

Kahapon, August 30, pagkatapos ng performance ni Cuizon na maraming beses nang muntik na ma-Gong, nag-tweet siya ng “hustisya” at “composer ka lang.”

Inamin ni Cuizon na patungkol iyon kay Ocampo.

Apparently, hindi nagustuhan ni Cuizon ang opinyon ni Ocampo tungkol sa kanyang horrible rendition noong Biyernes sa awit na "Both Sides Now" na napanood namin.

Wala si Vice Ganda sa Friday edition ng It’s Showtime, pero ngayong Sabado, nagkaroon siya ng pagkakataong pangaralan si Cuizon sa national television.

“Yung itiniweet mong 'hustisya,' ako, I took offense because this is my show.

Continue reading below ↓

"At sana lahat kayo, huwag niyo sanang maramdaman na dinadaya kayo ng programang ito at meron isa sa mga hurados namin ang mandadaya sa inyo at magbibigay sa inyo ng injustice.

"Kasi, kasama sa mga values ng ABS-CBN ang integrity at hinding-hindi hahayaan ng management na may programa o sinumang bahagi ng programa ang mandadaya sa mga kalahok na katulad mo," sabi ni Vice kay Cuizon.

Patuloy ng It's Showtime host, “Mahal namin kayo at ang mga pangarap ninyo.

"At sana rin, maunawaan mo, kung saka-sakaling hindi ka mananalo dito, dahil baka kung hindi ka nila iboto, hindi mataas na grado ang ibigay ng hurado, kung saka-sakaling hindi ka mananalo at ipagpapatuloy mo ang pangarap mo, darating at darating ang panahon na makakasalubong at makakasalamuha at makakatrabaho mo ang mga composers na kasalamuha mo dito.

“At yung 'composer ka lang,' sana maunawaan mo na kung wala ang mga composer, wala kayong aawitin na mga mang-aawit.

Continue reading below ↓

"Sana lahat tayo ay may matutunan sa pangyayaring ito," payo ni Vice sa contestant na nakatanggap ng mga batikos dahil sa kanyang mga tweet laban kay Ocampo.

Ito naman ang public apology at paliwanag ni Cuizon tungkol sa kanyang tweet:

“Thank you Lord, binigyan mo ako ng lakas na aminin iyon.

"Hindi Mo ako hinayaan na magsinungaling kung ano iyon and thank you Lord dahil binigyan mo ako ng lakas.

“Yung tweet ko po na iyon is gusto ko pong mag-public apology po kay Sir Louie Ocampo.

"Thank you po kasi kahit ano po yung nararamdaman ko po, hindi niyo pa rin ako ginong. Sobrang thank you ko po doon.

“Naghahalu-halo lang po yung emosyon ko kahapon—pagod, stress, puyat, pressure sa iba’t ibang tao. Siguro po, kaya ko po nasabi iyon, pero ngayon po, humihingi po ako ng sorry po sa nasabi ko po kahapon sa Twitter.

“Hindi ko po siya itinatago kung anuman po yung nasabi ko. Sir Louie Ocampo, sorry po, nabigla lang po talaga ako pero sobrang sincere po ng inihihingi ko ng tawad sa inyo."

Continue reading below ↓

Mapalad pa rin si Cuizon dahil kahit binilangan din ito ni Ogie Alcasid, na nagsilbing punong hurado ng Saturday edition ng Tawag ng Tanghalan, hindi pa rin siya naging biktima ng dreaded gong.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda reprimands Tawag ng Tanghalan contestant Shantal Cuizon for her cryptic, offensive tweets directed at composer Louie Ocampo. She later apologized for her act on national television.
PHOTO/S: Screen grab from ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results