Willie Revillame, nakakapagpalipad na ng helicopter

by Jojo Gabinete
Sep 5, 2019
PHOTO/S: Screen grab from Facebook

Regular na nakikita si Willie Revillame sa Evia, Las Piñas City, dahil dito siya nagsasanay sa pagpapalipad ng helicopter.

Ito ay sa tulong ng mga pilotong sina Captain Vincent Bangwa, Captain Louie Imperial, Captain Lou Ibarra, at ni Engineer Joselito Casaoul, ang teacher ni Willie sa ground training.

Kumportable si Willie sa kanyang ground training sa ekta-ektaryang lugar ng Evia dahil pag-aari ito ni former Senator Manny Villar, na halos pangalawang ama ang turing ng TV host.

Idinagdag ng Cabinet Files source na ang excellent pilot na si Archie Po at ang kaibigan ni Willie na si Raymond Ronquillo ang nag-impluwensiya sa Wowowin host na pag-aralan ang pagpapalipad ng helicopter.

Gaya ni Willie, mga successful self-made businessman sina Po at Ronquillo kaya hindi nagkakalayo ang kanilang mga interes.

Hiningi namin ang permiso ni Willie na ibahagi sa PEP.ph readers ang video ng pagpapalipad niya ng helicopter, na hindi isang hobby dahil kung sakaling magkaroon ng mga rescue operation sa panahon ng kalamidad—na huwag naman sanang itulot ng Panginoong Diyos—handa siyang tumulong nang walang anumang kapalit bilang kaligayahan niya ang maglingkod sa kapwa.

Continue reading below ↓

Narito ang video ng pagpapalipad ng helicopter ni Willie:

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Screen grab from Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results