Dalawang lady DJs, hayagang pinag-usapan sa FM radio ang pagkawala ng virginity nila

by Jojo Gabinete
Sep 5, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Nakakababa ng uri ng pagkatao ang pag-uusap ng dalawang lady disc jockey ng 90.7 Love Radio na napakinggan kaninang Huwebes ng hapon, September 5, mula 2 P.M. hanggang 2:30 P.M.

Tungkol sa pagkawala ng mga virginity nila ang graphic na talakayan ng lady DJs.

Tila sinalaula ng dalawa ang sarili, kinalimutan na may mga kabataang nakikinig sa kanilang programa at may malaking responsibilidad sila sa listeners.

Tuwang-tuwa pa ang dalawa habang pinag-uusapan ang pagkawala ng virginity ng isa kanila—ang masakit pero masarap na pakiramdam, ang husay sa pakikipagtalik ng kanyang partner na lalaki, at ang description ng tunog nang isuko niya ang pagkababae sa unang pagkakataon.

Aliw na aliw ang dalawang lady DJs habang nag-uusap tungkol sa isang napakapersonal na bagay na hindi dapat tinatalakay sa radio.

Ang Manila Broadcasting Company ang may-ari ng 90.7 Love Radio, at napag-alaman naming miyembro ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ang naturang kompanya.

Continue reading below ↓

Hindi naman siguro kalabisan kung hihilingin namin sa MBC at sa KBP na paalalahanan ang kanilang mga disc jockey tungkol sa mga responsibilidad nila sa listeners, lalo na sa mga kabataan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results