Enchong Dee, bakit nagkaroon ng allergic reaction sa dagat?

by Jojo Gabinete
Sep 6, 2019
Enchong Dee: "Yung balat ko around my eyes, lalo siyang namula for one week, kahit nagda-drops ako... hindi siya nawawala because of the chemicals from the mining companies na dumidiretso sa dagat."
PHOTO/S: @mr_enchongdee on Instagram

Nagbabalik si Enchong Dee bilang host ng Season 3 ng Agricoolture ng Knowledge Channel.

Mapapanood sa darating na October, tuwing Biyernes at Sabado, 4:30 P.M., ang programa niya.

Sa isang episode ng Agricoolture, nagkaroon ng allergy ang aktor dahil sa paliligo sa dagat.

Aniya, "Noong nag-shoot kami sa [Mindoro], noong may free time kami, nag-swimming ako sa dagat.

"Hindi ko maintindihan bakit umiinit yung balat ko sa may mata, at saka yung mata ko, nagsisimula nang mamula.

"Nung nagtanong ako bakit parang may allergic reaction ako sa tubig, I found out na dun pala sa [Mindoro], merong ipinasara na mining company si Ms. Gina Lopez.

"Sabi ko, these are the things na hindi alam ng mga tao.

"Nagtataka ako bakit parang patay yung dagat, walang corals, walang mga fish.

"Sabi ko, hindi natin alam na may ginagawa pala para sa bansa natin, 'tapos we are just taking these for granted.

Continue reading below ↓

"Ang dami kong natutunan, even if no one is looking, do the right thing."

Patuloy ni Enchong, "Mga one week akong nagkakaroon ng allergic reaction, pero sabi ko, even the people that are living around that area, sobra silang apektado na sana, again, lagi kong sinasabi, tayo-tayo lang ang tutulong sa bansa natin, gawin na natin.

"Yung balat ko around my eyes, lalo siyang namula for one week, kahit nagda-drops ako, yung prescribed ng doctor sa akin, hindi siya nawawala because of the chemicals from the mining companies na dumidiretso sa dagat.

"That’s why, yung dagat, patay, and it will take years and years bago siya mag-clear out talaga."

Nagpakita si Enchong ng malasakit sa kapaligiran at natural na kalikasan na sinisira ng ibang mga taong inuuna at mas pinahahalagahan ang mga personal na interes.

ED'S NOTE: An earlier version of this article quoted Enchong Dee as saying the location as Marinduque. However, this has been changed to Mindoro, the actual location of the incident.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enchong Dee: "Yung balat ko around my eyes, lalo siyang namula for one week, kahit nagda-drops ako... hindi siya nawawala because of the chemicals from the mining companies na dumidiretso sa dagat."
PHOTO/S: @mr_enchongdee on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results