Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Maymay Entrata, hiyang-hiya nang ipakilalang "international superstar"

by Jojo Gabinete
Sep 5, 2019
Maymay Entrata on auditioning as ramp model in New York: "Dyusko, huwag niyo po akong palakpakan, wala pa, kasi hindi po biro yun. So, parang hindi ko pa po talaga alam kung sakaling matutuloy yun."
PHOTO/S: Noel Orsal

Napailing at parang hiyang-hiyang si Maymay Entrata sa "international superstar" introduction sa kanya sa 20th anniversary presscon ng Knowledge Channel na ginanap ngayong Huwebes ng tanghali, September 5, sa isang events place sa Quezon City.

Ang naging reaksyon ni Maymay ang patunay na hindi nagbabago ang ugali niya mula nang magkaroon ng pangalan sa local entertainment industry.

Taglay pa rin niya ang humility na nagustuhan at minahal ng kanyang mga tagahanga.

Ipinakilala si Maymay bilang isa sa mga host ng Season 4 ng Puno ng Buhay na mapapanood sa Knowledge Channel tuwing Lunes at Linggo, 3: 30 P.M., simula sa susunod na buwan.

Si Khalil Ramos ang co-host ni Maymay sa Puno ng Buhay.

Magkasama nilang pinuntahan ang Bukidnon, ang probinsiya ng dalaga, para ituro sa televiewers ang wastong pag-aalaga ng kalikasan.

Sinabi ni Maymay na buong puso nitong tinanggap ang alok na maging co-host ng Puno ng Buhay nang ipaliwanag sa kanya ang magiging partisipasyon niya.

Continue reading below ↓

"Kasi po dati, noong elementary student pa lang ako, siguro hindi pa umaabot sa amin ang Knowledge Channel.

"'Tapos parang mas mahirap kapag naririnig, so mas madali kapag nakikita mo, kaya ang saya ko naging parte ako nito."

Nagpapasalamat si Maymay dahil sa suporta at mga tulong na ibinibigay sa kanya ni Khalil na nagsilbi rin bilang mentor niya.

"Sobrang saya kasi sobrang talino ni Kuya Khalil.

"Ako lang po ang laging nagtatanong, 'Bakit ganito?'

"'Tapos everyti me na hindi ko ma-pronounce yung words na sobrang haba, ‘Kuya paano ito?’

"Mabuti na lang, nandiyan si Kuya Khalil, sobrang gaan niyang katrabaho saka ang saya ng set."

MAYMAY AS A TREE

Dahil sa pamagat ng kanilang programa sa Knowledge Channel, tinanong si Maymay tungkol sa klase ng puno na puwedeng ikumpara sa kanya.

Sinabi ni Maymay na gusto niya na maging isang puno na namumunga ng mga prutas dahil sa mga biyaya na kanyang natatanggap mula nang maging artista siya.

Continue reading below ↓

"Yung buhay ko kasi, parang halaman. Habang lumalaki ako, bumubunga lang.

"Marami akong blessings na natatanggap ko.

"Marami rin akong natutunan sa mga experience ko, hindi lang sa success ko, pati rin sa failures ko,” ani Maymay.

Nang kumustahin ang resulta ng audition niya bilang ramp model para sa New York Fashion Week, nagpalakpakan ang entertainment press kaya nakapagsalita si Maymay ng: "Dyusko, huwag niyo po akong palakpakan, wala pa, kasi hindi po biro yun. So, parang hindi ko pa po talaga alam kung sakaling matutuloy yun."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maymay Entrata on auditioning as ramp model in New York: "Dyusko, huwag niyo po akong palakpakan, wala pa, kasi hindi po biro yun. So, parang hindi ko pa po talaga alam kung sakaling matutuloy yun."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results