Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Dialogues ni Kim Molina sa Jowable, malakas ang shock value

by Jojo Gabinete
Sep 6, 2019
(Left) Sanggano, Sanggago't Sanggwapo stars Janno Gibbs, Andrew E, and Dennis Padilla; (right) Kim Molina stars in Jowable. Both comedy films are produced by Viva Films.
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Ipinararating nina Janno Gibbs, Dennis Padilla, at Andrew E. ang kanilang pasasalamat sa lahat ng mga tumangkilik sa Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo, ang comedy movie nila na nagbukas noong September 4, Miyerkules, sa cinemas nationwide.

Tuwang-tuwa ang tatlo dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko sa pelikula nila.

Ikinagulat din ng Viva Films producers ang suportang ibinigay ng manonood sa comeback movie ni Al Tantay bilang direktor.

Nagtagumpay at nagkatotoo ang madalas sabihin nina Al, Dennis, Janno, at Andrew na ibabalik nila ang old-school comedy sa pamamagitan ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo.

Nakatulong din sa box-office success ng pelikula ang special participation ng legendary actor na si Eddie Garcia, na sinuportahan ng publiko sa huling movie project niya.

KIM MOLINA'S SHOCKING LINES IN JOWABLE

Ang Jowable, launching movie ni Kim Molina, ang susunod na comedy movie na ire-release ng Viva Films sa mga sinehan sa September 25.

Ipinakikita sa mga sinehan na pinagtatanghalan ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo ang full trailer ng Jowable na malakas ang shock value dahil sa mga dialogue ni Kim.

Continue reading below ↓

Siguradong matatandaan ng mga tao ang shocking lines ni Kim sa full trailer ng Jowable, tulad ng "Sister, nagpi-finger ka po ba?" habang kausap niya ang madre na ginagampanan ni Candy Pangilinan.

Unforgettable din ang litanya ng karakter ni Kim sa kanyang mga kaibigan: "Haa, andito kayo para sa akin? Bakit, malalaplap niyo ba ako? Malalamas niyo ba ang dede ko? Mabibilog niyo ba ang utong ko?"

At ang eksena niya sa simbahan habang nagdarasal: "Gusto ko nang magka-dyowa, pasaktan mo na ako, pawarak mo na ako, Lord. Ipadurog niyo na po yung mani ko, Lord, please!"

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Sanggano, Sanggago't Sanggwapo stars Janno Gibbs, Andrew E, and Dennis Padilla; (right) Kim Molina stars in Jowable. Both comedy films are produced by Viva Films.
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results