Ai-Ai delas Alas, nabiktima ng akyat-bahay

by Jojo Gabinete
Sep 6, 2019
Inilahad ni Ai-Ai delas Alas sa Cabinet Files ang insidente kung saan naging biktima sila ng asawa niyang si Gerald Sibayan ng akyat-bahay nitong Biyernes ng madaling-araw, September 6.
PHOTO/S: Noel Orsal

Ang maging vigilant ang payo ni Ai-Ai delas Alas sa lahat dahil naging biktima siya ng akyat-bahay nitong Biyernes ng madaling-araw, September 6, 2019.

Bakas na bakas sa boses ni A-Ai ang pagkabahala nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong gabi sa telepono.

Ikinuwento ni Ai-Ai na madaling-araw ng Biyernes,1:30 A.M., nang makauwi siya ng bahay mula sa taping ng The Clash.

Dahil mataas pa ang kanyang energy, naligo muna si Ai-Ai at nanood ng TV.

Bandang 3 A.M. nang biglang galit na galit na kumahol nang kumahol ang kanyang pet dog na si Sailor.

Pilit na sinaway ni Ai-Ai at ng asawa nitong si Gerald Sibayan ang aso, pero matagal bago ito napahinto.

Alas-onse ng umaga nang magising si Ai-Ai at dahil may babayaran siya, ipinakuha niya sa personal assistant ang kanyang bag.

Nang sabihin ng personal assistant na wala sa kuwarto ni Ai-Ai ang bag nito, si Gerald ang umakyat sa kanilang bedroom.

Continue reading below ↓

Napansin agad ni Gerald na bukas ang pinto sa terrace nila at nang lumabas siya, nakita niyang nakakalat sa kalsada ang Louis Vuitton bag ni Ai-Ai.

Wala na ang pera sa loob ng bag ni Ai-Ai, pero hindi tinangay ng magnanakaw ang kanyang pitaka na naglalaman ng mga ID at ATM card.

Nang dumating ang mga imbestigador, nakita rin ang bakas ng mga kamay at paa sa bakod ng tahanan ng Comedy Queen.

Nakaramdam ng takot si Ai-Ai dahil naninirahan sila sa isang private village sa Quezon City, pero nakapasok ang magnanakaw.

Nevertheless, nagpapasalamat pa rin si Ai-Ai dahil umuwi mula sa Subic ang kanyang asawa kaya may kasama siya sa kuwarto nang mangyari ang insidente.

Kinikilabutan si AiAi sa posibleng nangyari kung nagkataong nagsosolo siya sa kanyang kuwarto.

Naisip din niyang baka gising pa siya nang makapasok ang magnanakaw sa tahanan nila kaya walang tigil ang pagtahol ng kanilang aso.

Continue reading below ↓

Dahil sa alarming incident, agad na pinataasan ni Ai-Ai ang bakod ng bahay nila at pinalagyan ng mga CCTV ang paligid bilang pag-iingat.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, pinasalamatan ni Ai-Ai ngayong gabi ang mga imbestigador na mabilis na dumating sa bahay nila nang i-report nila ang nangyari.

Mensahe ni Ai-Ai (published as is): "Maraming salamat sa station 6 qc police and 10 SOCO sa tulong nila sa amin ngayun araw na ito ..

"kagabi na nakawan kami maliit lang pero ang stressful nakapasok sya sa kwarto namin at nakuha nya bag ko ..

"tanghali na nung nalaman ko nawawala ang bag ko dahil mag babayad ako sa gumawa ng color and haircut ng nanay ko sa house .. and nakita ko na lang na nasa kalye ang bag ko sa tabi ng gulong kotse na tagong tago.

"ipinagpapasalamat ko din na walang nasaktan samen ni gerald.

"Salamat kay LORD at prinoteksyunan nya kaming mag asawa.. magingat nalang tayo lahat kasi IBA NA TALAGA ANG BUHAY NGAYUN.”

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inilahad ni Ai-Ai delas Alas sa Cabinet Files ang insidente kung saan naging biktima sila ng asawa niyang si Gerald Sibayan ng akyat-bahay nitong Biyernes ng madaling-araw, September 6.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results