Pag-ampon ni Claudine Barretto sa dalawang bata, hindi pa naka-record sa DSWD

by Jojo Gabinete
Sep 9, 2019
Ayon sa legal counsel ng Department of Social Welfare and Development, ang tanging recorded legal adoption ng aktres sa kanila ay kay Sabina.
PHOTO/S: @claubarretto on Instagram

Ang kanyang Instagram account ang ginamit ni Claudine Barretto noong September 6 para ipakilala si Noah Joaquin, ang sanggol na bagong miyembro ng pamilya niya.

Tumanggap si Claudine ng mga papuri mula sa kanyang mga tagahanga dahil sa desisyon niyang mag-ampon ng bata sa ikatlong pagkakataon at binansagan pa siya bilang "Angelina Jolie ng Pilipinas" dahil may adopted children din ang sikat na Hollywood actress.

"I am now complete as a mother. I’m so blessed beyond words," caption ni Claudine sa larawan nila ni Noah Joaquin nang ipakilala niya sa publiko ang sanggol na kanyang inampon.

Continue reading below ↓

Maganda ang motibo ni Claudine na muling mag-ampon ng bata, pero ang recent Instagram post niya ang naging dahilan para magkaroon ng legal issue.

Napag-alaman ng Cabinet Files na walang record ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) tungkol sa pag-aampon ni Claudine kay Noah Joaquin at kay Quia, ang four-year-old adopted daughter niya.

"Per DSWD, the only legal adoption on record of Claudine is Sabina. All non-relative adoption petitions have to be processed thru the regional office before filing in court," mensahe na natanggap ng Cabinet Files mula sa isang legal counsel ng DSWD.

May mga nakalap na impormasyon ang Cabinet Files na hindi legally adopted ni Claudine sina Quia at Noah Joaquin.

Diumano, nakapangalan si Quia sa isang Marisol Acap na nagtatrabaho bilang personal assistant ni Claudine at Cristina San Andres o Apple ang pangalan ng adoptive mother ni Noah Joaquin.

Hindi naman ikinatuwa ng isang social worker ng DSWD ang Instagram post ni Claudine tungkol kay Noah Joaquin dahil nagagamit umano sa "showbiz issue" ang inosenteng bata.

Continue reading below ↓

Sinabi ng DSWD legal counsel na kung nag-file ng annulment sina Claudine at Raymart Santiago, hindi puwedeng mag-ampon ang aktres.

"Kailangan, silang dalawa [Claudine and Raymart] ang mag-adopt basta married.

"In case na may ongoing annulment, usually, hindi pumapayag ang DSWD na magbigay ng consent to adopt dahil hindi stable ang relationship ng mag-asawa," paliwanag ng abogado ng DSWD.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Raymart noong December 2017, ang matuloy ang annulment ng kasal nila ni Claudine ang kanyang hiling pero hindi pa ito nangyayari.

AMERICAN WOMAN ARRESTED IN NAIA

Noong nakaraang linggo, headline ng international news ang 43-year-old American woman na nahuli sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa six-day-old baby na inilagay niya sa kanyang carry-on luggage at tinangka na ipuslit sa Pilipinas.

Child trafficking ang kasong isinampa laban kay Jennifer Talbot dahil undocumented ang sanggol na gusto niyang dalhin sa Amerika.

Lumitaw sa imbestigasyon na nakilala ni Talbot sa online ang 19-year-old na si Maricris Dulap ng Davao City na pumayag ipaampon sa akusado ang kanyang anak na isisilang pa lamang.

Continue reading below ↓

Nang madakip si Talbot sa NAIA, tanging ang notarized copy ng affidavit of consent and support mula sa ina ng undocumented infant ang papel na hawak niya.

Ang karanasan ng American woman ang isa sa mga case study na nagpapatunay na mahigpit na ipinatutupad ng DSWD ang batas tungkol sa pag-aampon ng mga bata.

Naungkat ito dahil sa record ng naturang government agency, tanging ang teenage daughter niya na si Sabina ang documented at legally adopted ni Claudine.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa legal counsel ng Department of Social Welfare and Development, ang tanging recorded legal adoption ng aktres sa kanila ay kay Sabina.
PHOTO/S: @claubarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results