Paolo, Christian, at Martin binulabog ang premiere ng The Panti Sisters

by Jojo Gabinete
Sep 11, 2019
PHOTO/S: Jocelyn Dimaculangan

Ang The Panti Sisters ng The Idea First Company at Quantum Films ang inaasahang magiging topgrosser sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimula sa Biyernes, September 13, 2019.

Ito ay dahil sa worth of mouth na highly entertaining ang pelikula na pinagbibidahan nina Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin del Rosario.

Bukod sa mga positive review, malaking bagay rin na PG ang classification ng MTRCB sa The Panti Sisters kaya puwedeng-puwede itong panoorin ng mga bata, basta may mga kasama silang nakatatanda sa kanila at magpapaliwanag sa mga eksenang hindi nila masyadong maintindihan.

Ang SM Megamall Cinema 7 ang venue ng premiere ng The Panti Sisters na ginanap kagabi, September 10.

In character na dumating sina Paolo, Christian, at Martin kaya nabulabog ang lahat ng mga tao sa mall na tuwang-tuwa dahil nakita nila nang personal ang flamboyant leads ng pelikula.

Continue reading below ↓

Sa opening scene pa lang ng The Panti Sisters, pinalakpakan agad ng audience ang karakter na ginampanan ni Paolo dahil sa kanyang grand entrance.

Umalingawngaw sa loob ng sinehan ang malakas na tawanan dahil sa mga nakakaaliw na eksena ng The Panti Sisters.

Nagbigay-tribute ang The Panti Sisters sa mga pelikulang Himala (1981), Kaya Kong Abutin ang Langit (1984), at Ikaw Ay Akin (1978) sa pamamagitan ng spoof sa mga hindi malilimutang eksena nina Nora Aunor (Himala), Maricel Soriano (Kaya Kong Abutin ang Langit), at Nora Aunor at Vilma Santos (Ikaw Ay Akin).

Hindi kami sigurado kung nagkataon lang ang lahat o talagang sinadya ng direktor na si Jun Lana na ilagay sa The Panti Sisters ang mga nabanggit na eksena bilang tribute niya sa mga mahuhusay na direktor na pumanaw na—si Ishmael Bernal, ang direktor ng Himala at Ikaw Ay Akin, at si Maryo J. de los Reyes, ang direktor ng Kaya Kong Abutin ang Langit.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jocelyn Dimaculangan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results