Jean Garcia, "walang sinasanto" sa Watch Me Kill

by Jojo Gabinete
Sep 11, 2019
Imbitado sa Warsaw International Film Festival (WIFF) ang Watch Me Kill, na idinirek ni Tyrone Acierto at pinagbibidahan ni Jean Garcia.
PHOTO/S: Jocelyn Dimaculangan

R16 ang classification na ibinigay ng MTRCB sa Watch Me Kill, ang psychological thriller/action-drama movie na tinatampukan ni Jean Garcia at mula sa direksiyon ni Tyrone Acierto.

Ang Watch Me Kill ang second feature film ni Tyrone.

Maikukumpara kay Quentin Tarantino ang style of directing ni Tyrone, base sa mga eksenang napanood namin sa premiere ng pelikula na naganap sa Cinema 5 ng TriNoma kagabi, September 10.

Hindi para sa mga mahihina ang puso ang Watch Me Kill dahil tiyak na kakabahan sila sa lahat ng mga eksena ni Luciana, na walang ginawa kundi ang mamaril at pumatay.

Luciana ang pangalan ng karakter ni Jean na isang assassin for hire at ruthless killer dahil walang tao na sinasanto.

Mabigat sa paningin at sa dibdib ang mga bayolenteng eksena kaya hindi nakapagtataka na ang Watch Me Kill ang isa sa pinakamahirap at nakakapagod na pelikulang ginawa ni Jean, na matagal nang hasang-hasa sa mga dramatic scene.

Continue reading below ↓

Ipinagmamalaki ni Jean ang Watch Me Kill dahil ngayon lamang siya nabigyan ng role na kakaiba.

Umaasa siyang masusundan pa ang movie project nila ni Tyrone, na hinahangaan niya bilang direktor.

Imbitado ang Watch Me Kill sa Warsaw International Film Festival (WIFF) ng Poland na magaganap sa October 11.

Dadalo si Tyrone sa international premiere ng kanyang pelikula sa WIFF.

Umaasa ang direktor na makakasama niya si Jean, na hindi pa tiyak ang attendance dahil sa taping ng kanyang bagong show sa GMA-7, ang The Gift, na nakatakda naman sa September 16 ang pilot telecast.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Imbitado sa Warsaw International Film Festival (WIFF) ang Watch Me Kill, na idinirek ni Tyrone Acierto at pinagbibidahan ni Jean Garcia.
PHOTO/S: Jocelyn Dimaculangan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results