StarStruck finalist Lexi Gonzales, inaming tinutulungan ni Mayor Isko Moreno

by Jojo Gabinete
Sep 12, 2019
Lexi Gonzales on seeking help from Manila Mayor Isko Moreno for her StarStruck journey: "Siyempre, mayor po namin siya kaya sabi ko, baka puwede akong humingi ng suporta mula kay Mayor para i-promote niya ako sa mga taga-City Hall."
PHOTO/S: Noel Orsal

Ang balitang tinutulungan siya ng isang politician sa kanyang StarStruck Season 7 journey ang isyu tungkol sa finalist na si Lexi Gonzales.

Hindi itinanggi ni Lexi ang balita dahil inamin niya ang paglapit at paghingi ng suporta mula kay Manila City Mayor Isko Moreno bilang residente siya ng Sampaloc, Manila.

“Yung pagbisita ko po kay Mayor Isko para po i-promote niya ako sa mga taga-Maynila.

"Siyempre, mayor po namin siya kaya sabi ko, baka puwede akong humingi ng suporta mula kay Mayor para i-promote niya ako sa mga taga-City Hall.

“Sabi naman po nila, ‘Sige, ikakampanya ka namin,’ kasi hindi naman po ako kilala sa Maynila,” kuwento ni Lexi.

Sa darating na Linggo, September 15, ang live broadcast announcement ng Ultimate Male and Female Survivors ng Season 7 ng StarStruck.

Kung sakaling si Lexi ang manalo, tiniyak niyang magpapasalamat siya sa lahat mga sumuporta sa kanya.

“Kung manalo po ako, maggi-give back ako sa lahat ng sumuporta at tumulong sa akin.

Continue reading below ↓

"Gusto ko po rin silang tulungan the way na tinulungan nila ako.

"Siyempre, sa family ko, ibigay ang lahat ng kailangan nila, unang-una.

"At may gusto rin po akong tulungan na tinutulungan ni Daddy ngayon, kasi nag-reunite kami ni Daddy nito lang po.

"Ikinuwento niya sa akin na may tinutulungan siyang taga-Maynila rin po, bedridden na po siya."

Nagpapasalamat si Lexi sa StarStruck dahil kung hindi pa siya sumali sa reality-based artista search ng GMA-7, hindi sila magkikita ng kanyang estranged father.

Apat ang kapatid ni Lexi sa ama at isa naman ang kapatid niya sa ina—ang kanyang 17-year-old brother na may autism.

Hindi ipinagkaila ni Lexi na may sama ng loob na naramdaman ang kanyang ina nang mag-reconcile sila ng biological father niya.

“Alam naman niya yung longing ko for a father kaya nang nangyari yun, kahit meron pa rin siyang sama ng loob, okey na lang.

“Sabi niya, ‘Magiging masaya ka naman, kasi kahit ano ang mangyari, tatay mo pa rin siya.'”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lexi Gonzales on seeking help from Manila Mayor Isko Moreno for her StarStruck journey: "Siyempre, mayor po namin siya kaya sabi ko, baka puwede akong humingi ng suporta mula kay Mayor para i-promote niya ako sa mga taga-City Hall."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results