Cuddle Weather, ipinakita ang kuwento ng mga nagbebenta ng aliw

by Jojo Gabinete
Sep 12, 2019
Gumaganap sina RK Bagasting at Sue Ramirez bilang prostitutes sa Cuddle Weather, entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.
PHOTO/S: Noel Orsal

Tungkol sa buhay ng male and female prostitutes ang kuwento ng Cuddle Weather, ang unang pelikula sa Regal Entertainment, Inc. ng 28-year-old director na si Rod Marmol.

Bukod sa pagiging direktor, si Rod ang sumulat ng script ng Cuddle Weather na official entry sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Nagkaroon ito ng premiere sa SM Megamall Cinema nitong Miyerkules ng gabi, September 11.

Sina RK Bagatsing at Sue Ramirez ang mga bida sa Cuddle Weather.

Gaya ng sinabi nina Rod, Sue, at RK sa presscon noon ng Cuddle Weather, brutal ang mga dialogue ng mga karakter ng pelikula pero, surprisingly, hindi malaswa sa pandinig ng manonood ang kanilang mga pinakawalang salita na normal na lumalabas mula sa bibig ng mga “pokpok.”

Tastefully done din ang love scene nina Sue at RK.

Tanging ang tatlo ang dumalo sa grand presscon ng Cuddle Weather kaya nasorpresa ang audience nang mapanood nila sa wide screen ang special participation nina Niño Muhlach, Mark Anthony Fernandez, at ng former sexy star na si Aleck Bovick.

Continue reading below ↓

Si Niño ang gumanap na barangay captain na isa sa mga kliyente ni Sue, samantalang si Mark ang lalaking minahal ng lead female character ng pelikula.

Inspired ng mga tunay na pangyayari ang kuwento ng Cuddle Weather dahil sa mahigit sa 20 male and female prostitutes na ininterbyu ni Rod bago nito isinulat ang script ng pelikula.

Ipinakita sa Cuddle Weather na hindi dapat husgahan ang mga nagbebenta ng aliw dahil may mga personal na dahilan kaya nasadlak sila sa ganoong klase ng propesyon.

Iba’t ibang klase ng emosyon ang ipinamalas ni Sue sa mga eksena niya.

Posibleng maging memorable sa mga nagbabalak manood ng Cuddle Weather ang unforgettable dialogue ni RK na, “Hindi naman tayo masamang tao. Ito lang yung trabaho natin.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
Gumaganap sina RK Bagasting at Sue Ramirez bilang prostitutes sa Cuddle Weather, entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results