StarStruck finalist Allen Ansay, mas pursigidong mag-artista kesa mag-aral

by Jojo Gabinete
Sep 12, 2019
StarStruck hopeful Allen Ansay: "Hindi po ako magaling mag-memorize. Sa klase po, ang gusto ko lang talaga makapasa. Hindi po ako nag-e-expect ng mataas na grades."
PHOTO/S: Noel Orsal

Produkto ng broken family ang karamihan sa mga contestant ng Season 7 ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7.

Kaya masuwerte ang 16-year-old hopeful na si Allen Ansay dahil hindi hiwalay ang kanyang ina na isang teacher at ang tatay niyang nagtatrabaho bilang seaman.

Mapalad din si Allen dahil suportado ng mga magulang nito ang pagsali niya sa StarStruck dahil masidhi ang kanyang pangarap maging commercial model at artista.

“Gusto ko po talaga na mag-artista, pero noong una talaga, sabi ni Tatay, ‘Sigurado ka ba talaga diyan sa papasukin mo?’

"Kasi, hindi raw po talaga madali ang pag-aartista.

“E, hindi naman po ako matalino sa klase. Hindi nga po ako honor student," napangiting sabi ni Allen.

Napapadalas ang pagbabasa ng mga libro ni Allen para mawala ang kanyang thick Bicolano accent.

“Hindi po ako magaling mag-memorize.

"Sa klase po, ang gusto ko lang talaga makapasa.

"Hindi po ako nag-e-expect ng mataas na grades.”

Continue reading below ↓

Ano ang pinakamataas na grade mo at sa anong subject?

“Nakakahiya, 79. Sa Edukasyon sa Pagpapakatao!” nahihiya pero natatawang sagot ng pambato ng Camarines Sur.

“Ang nangyari po noon, yung mga project ko, hindi ko pa napapasa.

"Mataas din po ako sa exam sana, e, iba pala yung computation kapag wala kang project.”

Bilang teacher ang nanay mo, napapagalitan ka ba niya nang madalas?

“Si Mama po talaga, lagi. Si Tatay, ayos lang po na pasa.

"E, si Mama po, ang gusto niya, mataas ang grades.

"Yung mga kapatid ko po kasi, matataas ang grades.

"Sabi niya, ‘Ano ba ‘yan, Allen, bakit hindi ka man lang nagmana sa mga kapatid mo? Ikaw pa naman ang panganay.’"

Sabi pa ni Allen, “Hindi po ako spoiled.

"Ang sabi nga po, mas mahalaga na makapasa, kasi yung iba po, mabababa ang grades, pero pagtanda nila, may magandang trabaho po.”

Kahit mabababa ang kanyang grades sa school, ipinagmamalaki si Allen ng mga kababayan nila sa Camarines Sur dahil sa pagsali niya sa StarStruck.

Continue reading below ↓

“Proud na proud lahat sila kaya nung umuwi po kami sa Bicol [for StarStruck homecoming], halos buong barangay nandoon,” sabi ni Allen.

Confident si Allen na siya ang tatanghaling Ultimate Male Survivor sa grand finale night ng StarStruck Season 7 na magaganap sa Linggo, September 15, at live na mapapanood sa GMA-7.

Read Next
Read More Stories About
Allen Ansay, starstruck
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
StarStruck hopeful Allen Ansay: "Hindi po ako magaling mag-memorize. Sa klase po, ang gusto ko lang talaga makapasa. Hindi po ako nag-e-expect ng mataas na grades."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results