Marco Gumabao, di na nagulat sa pagkakahuli sa pekeng talent manager na nag-alok sa kanya ng P2M

by Jojo Gabinete
Sep 12, 2019
Marco Gumabao: "Nung nakita ko yung news, hindi na ako nagulat. Sobrang nakakalungkot lang na meron siya talagang mga naging biktima."
PHOTO/S: Noel Orsal

Active si Marco Gumabao sa social media kaya mabilis na nakarating sa kanya ang balitang dinakip noong August 30, 2019 si JR Kizon.

Si Kizon ang lalaking nagpapanggap bilang talent manager at inireklamo ng pangmomolestiya ng mga aspiring actor na nabiktima niya.

Nakilala nang personal ni Marco si Kizon nang lumapit ito sa kanya sa premiere night ng isang pelikula ng Viva Films.

Kapipirma pa lamang noon ni Marco ng kontrata sa Viva Artists Agency kaya ang buong akala niya, empleyado si Kizon ng Viva Films.

Mula noon, nakakatanggap na siya ng mensahe mula sa suspect. Pero habang tumatagal, nagiging malaswa na ang mga salita sa kanya ni Kizon.

Kilala si Marco sa pagiging mabait at pagkakaroon ng mahabang pasensiya, pero nasagad ito nang alukin siya ni Kizon ng P2-million talent fee, kapalit ang frontal nudity pictorial para sa isang kalendaryo na ibebenta sa mga gay.

Ang reaksiyon ni Marco tungkol sa pagkakadakip kay Kizon ang itinanong namin sa kanya nang humarap siya sa presscon na ipinatawag ng Viva Artists Agency.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang masasabi ko lang, what comes around goes back around.

"Pero I wish him well. Kung nasaan man siya ngayon, good luck," mensahe ni Marco para sa impostor talent manager na nambastos sa kanya.

Ayon kay Marco, hindi lamang ang nude pictorial ang indecent proposal na natanggap niya mula kay Kizon dahil bastos din ang mga pananalita nito sa kanya.

“Pero ako, hindi ko na lang pinansin.

"Nung nakita ko yung news, hindi na ako nagulat.

“Sobrang nakakalungkot lang na meron siya talagang mga naging biktima.

"I hope, this serves as an awareness na huwag magpapauto sa mga ganoon," pahayag ni Marco.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Marco Gumabao, JR Kizon
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Gumabao: "Nung nakita ko yung news, hindi na ako nagulat. Sobrang nakakalungkot lang na meron siya talagang mga naging biktima."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results