Shayne Sava, makakalipat na ng bahay kapag nanalo sa StarStruck

by Jojo Gabinete
Sep 15, 2019
Shayne Sava on meeting her estranged father: "Natuwa na medyo nasaktan po ako. Natuwa po ako kasi nakausap ko na po siya. Nasaktan kasi matagal po siya na hindi nagparamdam. Bigla-bigla po siyang nagparamdam."
PHOTO/S: Noel Orsal

Ngayong gabi, September 15, ang announcement ng Ultimate Male and Female Survivors ng StarStruck Season 7, ang reality-based artista search ng GMA-7.

Final Four ng StarStruck sina Shayne Sava, Lexi Gonzales, Allen Ansay, at Kim de Leon.

Isang milyong piso at house and lot ang ilan sa mga premyong mapapanalunan ng tatanghalin na Ultimate Male and Female Survivors.

Tiyak na malaki ang pagbabagong mangyayari sa buhay ng dalawa sa Final 4 ng StarStruck kapag sila ang nagwagi.

Kung mananalo si Shayne, iiwanan na niya ang dormitoryo sa Panay Avenue, Quezon City na tinitirhan nila ng kanyang lola dahil sa house and lot na matatanggap ng winners.

Nakatira ang pamilya ni Shayne sa Binangonan, Rizal.

Nang sumali siya sa StarStruck Season 7, ang pamasahe ang naging problema nila ng kanyang lola dahil wala na silang pera.

Para makatipid sa oras at pamasahe, pansamantalang naninirahan si Shayne at ang kanyang lola sa isang dormitoryo na malapit sa GMA-7 habang hindi pa natatapos ang artista search na sinalihan niya.

Continue reading below ↓

Produkto rin si Shayne ng broken family at ang pagsali niya sa StarStruck ang naging daan para maging regular ang komunikasyon nila ng kanyang ama na may iba nang pamilya.

Natuwa at nasaktan ang magkahalong emosyon na naramdaman ni Shayne sa muling pagkikita nila ng tatay niya.

"Natuwa na medyo nasaktan po ako.

"Natuwa po ako kasi nakausap ko na po siya.

"Nasaktan kasi matagal po siya na hindi nagparamdam. Bigla-bigla po siyang nagparamdam," sabi ni Shayne.

Panganay si Shayne sa tatlong magkakapatid kaya nakapagsalita siyang grabe ang kanyang mga pasanin.

"Sobrang hirap po dahil sa tuwing may mga family gathering, sa school, nanay mo lang yung kasama niyo.

"Pero natuto po akong makuntento kasi meron naman po akong lolo, tito, mga ninong na handa po na maging tatay para sa akin," kuwento ni Shayne.

Binanggit din ni Shayne na nagsimba sila ng kanyang lola sa Baclaran church noong Martes para ipagdasal ang tagumpay niya sa Season 7 ng StarStruck.

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shayne Sava on meeting her estranged father: "Natuwa na medyo nasaktan po ako. Natuwa po ako kasi nakausap ko na po siya. Nasaktan kasi matagal po siya na hindi nagparamdam. Bigla-bigla po siyang nagparamdam."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results