Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

StarStruck finalist Kim de Leon, deadma sa mga pumupuna sa kanyang height

by Jojo Gabinete
Sep 15, 2019
Kim de Leon on comments about his height: "Hindi naman po siguro ako magugustuhan o ipapa-stay ng StarStruck Council kaya kahit may mga ganoon na sinasabi tungkol sa akin, tine-take ko naman po, positively."
PHOTO/S: Noel Orsal

Gaya ni Shayne Sava, nakatira si Kim de Leon sa isang dormitoryo na malapit sa GMA-7 para makatipid siya sa oras at pamasahe habang ongoing ang Season 7 ng StarStruck.

Kung papalarin si Kim na manalo sa reality-based artista search ng Kapuso Network, malaki ang tsansang hindi na nila ipagbibili ang kanilang bahay sa Balayan, Batangas para makabayad sa mga utang ang kanyang ama at ina.

Masakit sa kalooban ni Kim na ibenta ang tahanan nila dahil dito siya lumaki at nagkaroon ng mga masasaya na karanasan.

Walang kasama si Kim na kamag-anak sa dormitoryo na nirerentahan niya dahil lumuluwas lamang mula sa probinsya ang kanyang ina at kapatid sa tuwing may elimination ng mga contestant sa StarStruck Season 7.

Hindi na pinoproblema ni Kim ang pagkain dahil araw-araw ang schedule niya sa StarStruck.

"Yung schedule po namin sa StarStruck, halos araw-araw kaya libre ang pagkain namin.

"Minsan nga po, nag-uuwi na lang ako ng pagkain from GMA para libre at tipid," kuwento ni Kim.

Continue reading below ↓

Naranasan daw ni Kim maglako ng itlog noong 15 years old siya para makatulong sa kanyang mga magulang, pero hindi nagtagal dahil mahina ang benta.

"Habang nag-aaral po ako, nagtrabaho rin ako sa isang catering service, nagse-set up po ako.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"After po na maka-graduate ako ng senior high school, nagkaroon ako ng commercial para sa AMA, Jollibee, Presto, at Master with Joshua Garcia.

"Ang nagdala po sa akin sa StarStruck, yung agent namin sa talent agency [ng mga commercial].

"Hindi ko po ini-expect na makakapasok dahil kapag may audition po, go lang ako nang go,” ani Kim.

Tanggap ni Kim na pinupuna ng ibang mga tao ang kanyang height, pero hindi siya nagpapaapekto dahil sa pananaw niya na hindi lamang sa looks at height ang basehan para maging artista.

"Hindi naman po siguro ako magugustuhan o ipapa-stay ng StarStruck Council kaya kahit may mga ganoon na sinasabi tungkol sa akin, tine-take ko naman po, positively."

Continue reading below ↓

May sagot din si Kim sa suggestion na dapat na pinalitan ang kanyang screen name nang sumali siya sa StarStruck dahil napakarami na ang mga showbiz personality na Kim ang pangalan tulad nina Kim Chiu, Kim Molina, Kim Atienza, Kim Last, Kim Domingo, at ang former actress na si Kim delos Santos.

"Pero wala pa po na Kim de Leon," reaksyon ni Kim.

Masidhi ang pagdarasal ni Kim na manalo siya bilang Ultimate Male Survivor ng StarStruck Season 7 para makatulong sa kanyang pamilya at matupad ang lahat ng mga pangarap niya.

Read Next
Read More Stories About
Kim De Leon, starstruck
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim de Leon on comments about his height: "Hindi naman po siguro ako magugustuhan o ipapa-stay ng StarStruck Council kaya kahit may mga ganoon na sinasabi tungkol sa akin, tine-take ko naman po, positively."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results