Maxine Medina, hindi pa tinatanggap ang apology ni Kylie Verzosa?

by Jojo Gabinete
Sep 16, 2019
Isang source ang nagsabing totoong humingi ng paumanhin si Kylie Verzosa (kaliwa) kay Maxine Medina (kanan), pero pinalipas pa raw nito ang apat na araw at hindi sa mismong araw na dinuraan niya ang kanyang co-star sa Los Bastardos.
PHOTO/S: Mark Atienza

Nagsalita na si Kylie Verzosa noong Biyernes, September 13, tungkol sa insidente ng pandudura niya kay Maxine Medina sa isang confrontation scene nila sa Kapamilya teleserye na Los Bastardos.

Sa interview kay Kylie ng ABS-CBN News, sinabi ng former Miss International na nag-apologize na siya kay Maxine sa set ng afternoon drama series na pinagsasamahan nila.

"Right after, we talked with Max and everything is okay already. Pareho kaming okay," pahayag ni Kylie.

Sa kabila ng paliwanag ni Kylie, tila hindi pa magkakaroon ng closure ang kontrobersiya sa pagitan nila ni Maxine.

Isang nakakaalam sa tunay na nangyari ang nagsabing totoong humingi ng paumanhin kay Maxine si Kylie, pero pinalipas pa raw nito ang apat na araw at hindi sa mismong araw na dinuraan niya ang kanyang co-star sa Los Bastardos dahil nadala siya sa eksena.

Hindi rin umano personal ang paghingi ni Kylie ng apology dahil nagpadala lamang siya ng text message kay Maxine.

Continue reading below ↓

Hanggang ngayon, hindi pa rin binabasag ni Maxine ang pananahimik tungkol sa insidente na dahilan para i-unfollow niya sa Instagram ang kanyang batchmate sa Binibining Pilipinas 2016.

Marami ang naniniwala na hindi pa rin tinatanggap ni Maxine ang apology ni Kylie dahil nasaktan siya sa nangyari.

Parehong dumalo ang dalawa sa Star Magic Ball na ginanap noong Sabado, September 14, sa Shangri-La The Fort.

Pero sa litrato ng mga dating beauty queen, tanging si Kylie lamang ang wala sa grupo nina Precious Lara Quigaman, Ruffa Gutierrez, Bianca Manalo, Maxine, Pia Wurtzbach, Ariella Arida, at ng talent manager na si Jonas Gaffud.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang source ang nagsabing totoong humingi ng paumanhin si Kylie Verzosa (kaliwa) kay Maxine Medina (kanan), pero pinalipas pa raw nito ang apat na araw at hindi sa mismong araw na dinuraan niya ang kanyang co-star sa Los Bastardos.
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results