Super Tekla, mas karapat-dapat daw panoorin ang launching movie niya kesa sa movie ni Kim Molina

by Jojo Gabinete
Sep 16, 2019
Super Tekla (kaliwa), naniniwalang mas deserving na panoorin ng viewers ang kanyang launching movie na Kiko en Lala, kesa sa launching movie ni Kim Molina na Jowable.
PHOTO/S: Noel Orsal

Sinabi ni Super Tekla na balahura ang mga dialogue na napanood niya sa full trailer ng Jowable, ang launching movie ni Kim Molina.

Higit daw na karapat-dapat panoorin ng moviegoers ang kanyang launching movie, ang Kiko En Lala, dahil pampamilya ito.

Apparently, naeskandalo si Super Tekla sa mga linya ni Elsa, ang karakter na ginagampanan ni Kim sa Jowable.

Sa isang eksena habang nasa loob ng simbahan si Elsa, nagsalita ito ng: "Gusto ko nang magka-dyowa, pasaktan mo na ako, pawarak mo na ako, Lord. Ipadurog Niyo na po yung mani ko, Lord, please!"

Ang dialogue daw na ito ay hindi matanggap ni Tekla, ng mga konserbatibo, at ng mga moralista.

Kung panonoorin ni Tekla ang short film version ng Jowable na pinagbidahan ni Jobelyn Manuel, malalaman niya na tungkol sa pagluluto ng kare-kare ang pinanggagalingan ng dialogue ng karakter ni Kim na balahura sa kanyang panlasa.

“I am jowable. Kaya ko pong magluto ng kare-kare!

Continue reading below ↓

“Painitin ang mantika sa kaserola at igisa ang bawang at sibuyas.

“Timplahan ng patis ayon sa panlasa.

“Idagdag ang dinurog na bigas at mani.

“Dinurog na bigas at mani? Dinurog na mani. Lord, gusto ko ‘yon. Madurog ang mani ko!” ang dialogue na mapapanood sa short-film version ng Jowable.

Mainit ang pagtanggap ng publiko, particularly ng millennials, sa Jowable na tinampukan ni Jobelyn, at ito ang nagbigay ng idea sa mga executive ng Viva Films na isalin sa big screen ang short film na isinulat ni Darryl Yap at mula rin sa direksiyon niya.

Ang Jowable na pinagbibidahan ni Kim ang unang mainstream movie ni Darryl, kaya nagpapasalamat ito sa malaking oportunidad at tiwala na ibinigay sa kanya ng mother studio niya.

Hindi binalewa-wala ni Darryl ang kontribusyon ni Jobelyn sa short film, dahil isinama niya ang aktres sa cast ng launching movie ni Kim.

Continue reading below ↓

Mapapanood ito sa mga sinehan sa September 25, at makakalaban sa box-office ng Kiko En Lala, ang pelikula ni Super Tekla, na may pinagmumulan din ang pagtutol sa shocking dialogues ng lead actress ng Jowable.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Super Tekla (kaliwa), naniniwalang mas deserving na panoorin ng viewers ang kanyang launching movie na Kiko en Lala, kesa sa launching movie ni Kim Molina na Jowable.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results