Charice Pempengco vs Jake Zyrus: sino ang mas magaling na singer?

by Jojo Gabinete
Sep 17, 2019
Star Music executive Jonathan Manalo (kaliwa), ikinumpara ang style ng pagkanta ni Jake Zyrus at ng dati nitong katauhan na si Charice Pempengco.
PHOTO/S: Noel Orsal

Ang Star Music executive na si Jonathan Manalo ang nagsabing, bilang singer, parehong magaling sina Charice Pempengco at Jake Zyrus.

Si Jonathan ang producer ng Evolution, ang bagong album ni Jake sa Star Music kaya siya ang nagsalita tungkol sa pagkakaiba ni Jake sa dating katauhan nito.

"Hindi natin maaalis na mare-recall yung boses ni Charice kasi talagang sobrang magkaiba ang boses nila ni Jake Zyrus.

"Jake Zyrus is a male artist.

"Kung meron akong makikita na difference, yung skill level.

"Pareho silang magaling na singer, parehong soulful, magkaiba lang yung expression.

"Si Charice, magaling and soulful in a female expression.

"And si Jake, magaling din and soulful in a male expression.

"So both singers are magaling.

"Makikita natin yung level ng talent sa level ng talent na nakita natin nung si Charice pa siya.

"Ang advantage lang ni Jake Zyrus, meron siyang experience na pinaghuhugutan na wala si Charice, dahil si Charice, bata.

Continue reading below ↓

"Si Jake Zyrus, mas may wisdom kaya mararamdaman mo. Mas may pain na pinagdaanan," paliwanag ni Jonathan.

Malayung-malayo at ibang-iba na ang boses ni Jake sa dating boses niya bilang Charice na bumibirit sa pag-awit.

Malaki na rin ang ipinagbago ng speaking and singing voice ni Jake dahil sa gamot na iniinom nito para sa kanyang female-to-male transition.

Nang tanungin kung nami-miss niya ang dating boses na kanyang naging puhunan kaya nakilala siya noon sa international music scene, "hindi" ang sagot ni Jake.

Saad ng singer, "Minsan tinatanong sa akin kung nami-miss ko. Hindi ko po nami-miss.

"Kasi yung technique kapag kumakanta ka, siyempre nag-transition na ako, mababa na ang boses ko.

"But when I do concert now or when I perform live, yung technique that I used to do when I was singing those high notes, it’s the same thing, except I sing different songs now, but the same feeling.

Continue reading below ↓

"That’s why I don’t see any difference when I see female singer hits high notes na talagang bumibirit.

"I don’t see any difference.

"I don’t hear any difference because, for me, male singers and female singers, kapag bumirit, it sounds the same to me.

"Ang pagkakaiba lang siyempre, yung tono na mas mataas yung isa.

"But the technique, yung feeling, coming from me since I’ve experienced both, same lang po. “

"So when I see Morissette [Amon], Zephanie [Dimaranan], Jona, when I listen to them, of course, when they hit the right spots, talagang napapa-react ako.

"But there’s no feeling na I used to do that," reaksiyon ni Jake.

Mas humahanga ngayon si Jake kina Erik Santos at Jed Madela dahil hindi raw madali ang pagkanta na ginagawa ng dalawa.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Star Music executive Jonathan Manalo (kaliwa), ikinumpara ang style ng pagkanta ni Jake Zyrus at ng dati nitong katauhan na si Charice Pempengco.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results