Kim Chiu, "nilapastangan" in a funny way dahil sa memes ng kanyang ABS-CBN Ball 2019 gown

by Jojo Gabinete
Sep 18, 2019
PHOTO/S: Mark Atienza / Facebook

Si Bea Alonzo ang best-dressed female awardee sa ABS-CBN Ball 2019 na ginanap sa Shangri-La, The Fort, noong Sabado, September 14, 2019.

Pero “kinabog” siya ni Kim Chiu dahil hanggang ngayon, ang gown na ginamit nito ang pinag-uusapan at pinagpipistahan.

Ang fashion designer na si Benj Leguiab ang creator ng beaded backless mermaid gown ni Kim, na imposibleng hindi natawa sa mga meme na naghahatid ng saya at ligaya sa mga nakakakita.

Sa lahat ng mga artista na dumalo sa ABS-CBN Ball 2019, si Kim ang may pinakamaraming lumabas na memes.

Baka kahit sa panaginip, hindi pumasok sa isip ni Kim na ang gown niya ang magiging puntirya ng memes na resulta ng wild imagination at creativity ng mga kababayan nating palaging may nakikita sa mga damit ng mga artista na puwedeng gawing katatawanan.

"Nilapastangan" si Kim pero nagbigay ng ngiti at saya ang memes sa kanya bilang payong, bala ng bazooka, paper airplane, rocketship, badminton shuttlecock, table napkins, turumpo, bouquet of flowers, cupcake topper, table stand, dart pin, sampaguita garlands.

Continue reading below ↓

Pero runaway winner ang Shawarma meme niya dahil literal na katakam-takam siya sa isa sa mga paborito na Middle Eastern dish ng mga Pinoy.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Mark Atienza / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results