Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Ronnie Liang, hindi kilala ang original singer ng revival song niyang "Yakap"

by Jojo Gabinete
Sep 18, 2019
Makikipag-collaborate si Ronnie Liang kay Sarah Geronimo (kaliwa) para sa major concert ng male singer sa November. Samantala, inamin ni Ronnie na hindi niya kilala si Junior (kanan), ang original singer ng kantang "Yakap" na ni-revive ni Ronnie.
PHOTO/S: Viva Music / File

Ang Music Museum ang venue ng concert ni Ronnie Liang sa November 2019 at excited siya dahil special guest niya si Sarah Geronimo.

Matagal nang pinaghahandaan ni Ronnie ang concert niya kaya malaking karangalan para sa kanya ang special participation ni Sarah.

Nakapag-record na rin ang dalawa ng song collaboration nila na ire-release at gagamitin sa promo ng concert ni Ronnie sa November.

Sabi ni Ronnie, "Collaboration music siya. We recorded a soon-to-be released song.

"Thankful ako sa Viva, lalo na kay Boss Vic del Rosario and Ma’am Veronique Corpus for this opportunity.

"Salamat din kay Sarah sa support at sa privilege na makapag-collaborate with her. God is good."

SINO SI JUINOR?

Ang revival niya sa 1979 hit song na "Yakap" ang bagong single na ipinu-promote ni Ronnie.

Pero hindi nito alam na si Junior ang original singer ng nabanggit na kanta.

Si Junior ang Spanish singer-actor na nagkaroon ng brief career sa Philippine showbiz nang bumisita siya sa Pilipinas noong late '70s.

Continue reading below ↓

Ang "But If You Leave Me" (1977) at "Yakap" (1979) ang dalawa sa mga sikat na kanta ni Junior na popular sa mga Pilipino.

Ito ang naging dahilan para makasama siya ni Vilma Santos sa Rock Baby Rock (Lea Productions, 1979), Good Morning Sunshine (Lea Productions, 1980), at Disco Madhouse (Lea Productions, 1980), ang pelikula nila nina Charo Santos at Lorna Tolentino.

Walang idea si Ronnie tungkol kay Junior dahil hindi pa siya ipinanganganak nang sumikat ang Spanish singer-actor sa Pilipinas.

Hindi rin niya alam na sumakabilang-buhay na si Junior noong April 15, 2014.

Ang buong akala ni Ronnie, ang former child actor na si LA Lopez ang original singer ng "Yakap."

Ni-revive din ang "Yakap" noong 2013 ni Charice Pempengco na Jake Zyrus na ngayon.

"Mas mainit ang yakap ko kesa kina LA Lopez at Jake Zyrus," pabirong sagot ni Ronnie sa tanong tungkol sa pagkakaiba ng version niya.

Continue reading below ↓

"But on a serious note, I was thinking of my mom in some lines of the song so there’s a sense of longing in the way I sang it.

"My mom passed away during the time I was recording 'Yakap,' and that’s what makes the song special for me.

"About the original version [of Junior], para sa akin, iba pa rin ang original.

"I thank him for sharing with us his beautiful music."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Makikipag-collaborate si Ronnie Liang kay Sarah Geronimo (kaliwa) para sa major concert ng male singer sa November. Samantala, inamin ni Ronnie na hindi niya kilala si Junior (kanan), ang original singer ng kantang "Yakap" na ni-revive ni Ronnie.
PHOTO/S: Viva Music / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results