#Jowable star Kim Molina at Direk Darryl Yap, nag-react sa "balahura" comment ni Super Tekla

by Jojo Gabinete
Sep 18, 2019
Nag-react ang star ng #Jowable na si Kim Molina (kaliwa) at ang direktor niyang si Darryl Yap (kanan) dahil sa komento ni Super Tekla na "balahura" raw ang trailer ng pelikula ng Kapamilya actress.
PHOTO/S: Noel Orsal

"Baka na-misinterpret lang siya?"

Ito ang patanong na sagot ni Kim Molina sa isyung sinabi ni Super Tekla na "balaj" o "balahura" ang trailer ng #Jowable, ang launching movie ni Kim na ipalalabas sa mga sinehan sa September 25, 2019.

Pero napalitan ng lungkot ang benefit-of-the-doubt reaction ni Kim nang makumpirma nitong hindi na-misinterpret at hindi nagbibiro si Super Tekla nang sabihin nitong "balahura" ang dialogues sa trailer ng lead character ng #Jowable.

"Na-sad naman ako," sabi ni Kim sa PEP Live nitong Miyerkules ng hapon, September 18.

"Kilala ko si Tekla. Ginanapan siya ni Je sa Magpakailanman.

"Siya ang gumanap na Tekla," dagdag na pahayag ni Kim.

Ang Je na tinutukoy ni Kim ay ang real-life boyfriend niyang si Jerald Napoles, na kasama rin niya sa #Jowable.

Para naman sa #Jowable director na si Darryl Yap, baka hindi lang naka-relate si Tekla sa napanood nitong trailer ng pelikula na makakalaban sa box office ng launching movie ng Kapuso comedian, ang Kiko En Lala.

Continue reading below ↓

"Why would he say that? That’s mean.

"Iba-iba naman tayo ng interpretation ng balahura, I guess.

"For me, ang balahura yung sugal, drugs, ganoon," may “pa-swipe” na reaksyon ni Direk Darryl, na nag-akalang naipalabas na ang Kiko En Tekla sa mga sinehan noong May 2019.

Patuloy niya, "But if he means that, that’s mean.

"Panoorin din natin siya. I’m sure, yung pelikula niya, hindi naman aksaya ng kuryente. Support-support na lang.

"I always thought May pa ‘yan ipinalabas."

Mensahe pa ng direktor, "Tekla, kung nanonood ka, papanoorin ka naman namin. 'Wag kang ganoon.

"Kaibigan ko rin si Boobay. Gusto mo ba magkaaway tayo? Hindi naman siguro."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-react ang star ng #Jowable na si Kim Molina (kaliwa) at ang direktor niyang si Darryl Yap (kanan) dahil sa komento ni Super Tekla na "balahura" raw ang trailer ng pelikula ng Kapamilya actress.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results