Michelle Dee, makapag-uwi rin kaya ng international crown tulad ng inang si Melanie Marquez?

by Jojo Gabinete
Sep 19, 2019
Tututukan ng mga mahihilig sa mga beauty contest kung makalipas ang 40 taon, makapaghahatid din si Michelle Dee ng karangalan sa Pilipinas at gagawa rin siya ng kasaysayan sa international beauty pageants 'tulad ng ginawa ng kanyang ina na si Melanie Marquez.
PHOTO/S: Michelle Dee Instagram

Forty years ago—November 12, 1979, to be exact—naghatid ng karangalan sa Pilipinas si Melanie Marquez nang magwagi siya bilang third Miss International ng bansa.

Forty years later, ang anak ni Melanie na si Michelle Dee ang nanalong Miss World Philippines noong September 15, 2019.

Si Michelle ang official representative ng Pilipinas sa Miss World 2019 na magaganap sa December 14, 2019 sa London,England.

Tututukan ng mga mahihilig sa mga beauty contest kung makalipas ang 40 taon, makapaghahatid din si Michelle ng karangalan sa Pilipinas at gagawa rin siya ng kasaysayan sa international beauty pageants 'tulad ng ginawa ng kanyang beauty queen-supermodel mother.

Sinabi ni Melanie sa recent Facebook post niya na malaking tulong ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa nalalapit na pagsali ni Michelle sa 69th edition ng Miss World.

“ur Oneness as Filipinos with faith, strength, light and love will be a great force of energy to our Miss World Philippines 2019 Michelle Marquez Dee on December 14, 2019 ~ The Coronation Night of Miss World 2019 in London, England. We will be with her on the crowning night as One Nation!” mensahe ni Melanie para sa lahat ng ating mga kababayan.

Continue reading below ↓

Full support ang ibinigay ni Melanie kay Michelle nang sumali ito sa Miss World Philippines 2019.

Sa mga interbyu sa kanya, ipinagmalaki ni Melanie na mas magaling si Michelle na magsalita ng English language kesa sa kanya.

Pero kailanman, hindi mapapantayan ng anak niya ang wit at pagiging karakter ng former Miss International.

Continue reading below ↓

ANG DISGUISE NI MELANIE

Throwback Thursday: Matagal nang plano ni Melanie na maglabas ng libro tungkol sa boo-boos niya pero hindi pa ito nagkakaroon ng katuparan.

Kung matutuloy ang Melanism book ni Melanie, may mga kontribusyon kami na base sa aming mga personal na karanasan.

Sina Maxine at Michelle ang mga anak ni Melanie at ng ex-husband nitong si Derek Dee.

Nang magkahiwalay ang dalawa, nagkaroon sila ng custody battle kaya patakas na dinala ni Melanie sa Amerika sina Maxine at Michelle.

Matagal na hindi nakabalik sa Pilipinas si Melanie dahil sa pangambang baka arestuhin siya sa bisa ng kaso na isinampa ni Derek laban sa kanya.

Finally, nagpasya si Melanie na bumalik sa bansa at kami ang kanyang unang tinawagan sa telepono nang lumapag ang eroplano niya sa Ninoy Aquino International Aiprort.

"Jo, nandito na ako!" sabi ni Melanie sa kabilang linya habang naaalimpungatan pa kami dahil madaling-araw nang tumawag siya.

Continue reading below ↓

“Ha? Saan?" ang nagtatakang tanong ko.

"Nandito na ako sa airport," humihingal na sagot ni Melanie na tila nagmamadali sa paglalakad habang nakikipag-usap sa akin.

"Ano? Bakit ka umuwi? Delikado... baka hulihin ka. May warrant of arrest ka, di ba?” ang buong pag-aalalang sagot ko kay Melanie.

"Hindi. Nakalampas na ako sa Immigration. Hindi nila ako nakilala,” ani Melanie.

"Imposible. Imposibleng hindi ka nila nakilala," nag-aalala pa ring sagot ko sa kanya.

Humihingal pa rin si Melanie nang sabihin nito na, "Jo, huwag kang mag-alala. Hindi nila ako nakilala. Nag-disguise ako!"

Bahagya kaming natigilan sa sinabi ni Melanie.

Para hindi siya makilala ng mga immigration official, tiyak na perfect ang kanyang disguise.

"Talaga? Anong disguise mo?" balik-tanong ko kay Melanie.

Ang kanyang sagot: “Nag-disguise ako na model!”

Bago dinala ni Melanie sina Maxine at Michelle sa Amerika, naging in demand muna siya sa mga guesting sa mga showbiz talk show dahil hot topic noon ang paghihiwalay nila ni Derek.

Continue reading below ↓

Sa guesting ni Melanie sa Startalk, ibinuhos niya kay Boy Abunda ang saloobin niya laban sa kay Derek at sa ina nitong si Regina Dee.

Si Boy pa ang host noon ng Startalk at ito ang eksena nang itanong niya kay Melanie ang mensahe nito para sa ina ni Derek.

"Kuya Boy, I have to speak in English because Mrs. Regina Dee doesn’t understand Tagalog.

"Tumingin si Melanie nang diretso sa TV camera at punumpuno siya ng emosyon nang sabihin niya ito: "Mrs. Dee, ang labo-labo mo!"

Thoughtful na kaibigan si Melanie kaya hindi mahirap makalimutan ang kanyang mga imbitasyon noon na kumain kami sa "Italianini’s" (Italliani’s) at panoorin namin ang pelikula ni Sandra Bullock, ang "Miss Congenital" (Miss Congeniality).

Mapagmahal din na kapatid si Melanie na wagas ang pagtatanggol noon sa kanyang kapatid na si Joey Marquez nang masangkot ito sa isang kontrobersya.

Sino ang makakalimot sa buong ningning na sinabi ni Melanie sa national television na “Don’t judge my brother, he’s not a book!”

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tututukan ng mga mahihilig sa mga beauty contest kung makalipas ang 40 taon, makapaghahatid din si Michelle Dee ng karangalan sa Pilipinas at gagawa rin siya ng kasaysayan sa international beauty pageants 'tulad ng ginawa ng kanyang ina na si Melanie Marquez.
PHOTO/S: Michelle Dee Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results