Ai-Ai delas Alas at anak na si Sophia, bigong makakuha ng VIP tickets sa Park Seo Joon fan meet

by Jojo Gabinete
Sep 20, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal / Facebook

Bigo si Ai-Ai delas Alas at ang kanyang anak na si Sophia na makakuha ng VIP tickets para sa meet-and-greet sa September 29 ng Korean star na si Park Seo Joon.

Kabilang ang mag-ina sa mga Pilipinong tagahanga ni Park Seo Joon na pumunta sa Bench office sa Bench Tower sa Bonifacio Global City noong Miyerkules, September 18.

Pero matapos pumila ng halos tatlong oras, hindi sila pinalad makasama sa lucky fans na nabigyan ng VIP at patron tickets.

Puwedeng-puwedeng gamitin ni Ai-Ai ang impluwensiya nito para magkaroon ng VIP tickets sa fan meeting ng Korean actor na hinahangaan nila ng kanyang anak, pero pinili niya ang tamang proseso—ang pumila.

Ayaw nilang maging unfair sa ibang fans na nagpalipas ng gabi noong Martes sa harap ng Bench Tower.

Kuwento ni Ai-Ai sa Cabinet Files, "Maraming tao at mahaba ang pila.

"Nasa second block na nga ng street ang aming pila dahil sa dami ng mga tao.

Continue reading below ↓

"Naawa nga ako sa iba dahil yung iba, doon na natulog para mauna sila sa pila."

Madaling-araw na nang umuwi si Ai-Ai noong Miyerkules mula sa shooting ng pelikula nila ni Coco Martin, pero gumising pa rin siya nang maaga dahil sa pag-asang makakakuha sila ng VIP tickets para sa meet-and-greet ni Park Seo Joon.

Continue reading below ↓

"Nagulat ako nang dumating kami ni Sophia sa Bench Tower.

"Hindi ko ini-expect na ganoon karami ang mga tao dahil umuulan noon.

“Pumila kami mula 10 A.M. hanggang 1 P.M.

"Umalis lang kami nang sabihin na ubos na ang VIP at patron tickets na puwede lang i-avail sa Bench office dahil one hundred lamang ang ipinamigay.

"Nagalit yung ibang mga tao at, yung iba, nagpa-picture na lang na kasama ako," kuwento ni Ai-Ai.

Naging fan ni Park Seo Joon ang Comedy Queen dahil sa kapapanood niya sa Netflix ng mga project ng Korean actor.

Nakausap ng Cabinet Files si Ai-Ai sa telepono pagkatapos ng grand opening ng Hauz of Unli, ang bagong restaurant business niya sa 466 Dr.Sixto Avenue, Maybunga, Pasig City, ngayong Biyernes, September 20.

Nagpapasalamat si Ai-Ai kay Pasig City Mayor Vico Sotto dahil pinaunlakan nito ang kanyang imbitasyong mag-cut ng ribbon sa pormal na pagbubukas ng Hauz of Unli.

Continue reading below ↓

Personal na nakita ni Ai-Ai ang kabutihan ni Vico dahil ito ang nagbayad ng pagkain ng mga estudyante na tuwang-tuwa at humiling ng photo op nang makita nila ang batambatang mayor ng Pasig City sa grand opening ng Hauz of Unli.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results