2 contestants ng The Clash, galing sa ABS-CBN singing competitions

by Jojo Gabinete
Sep 21, 2019
Sina Bradley Holmes at Rowell Quizon ay parehong kasali sa The Clash, at pareho ring galing sa ABS-CBN competitions na The Voice at Tawag ng Tanghalan, respectively.
PHOTO/S: @bradholmes711 @quizonrowell on Instagram

Makikilala ngayong gabi, September 21, 2019, ang Top 64 Clashers ng The Clash Season 2, ang nagbabalik-telebisyon na original musical competition ng GMA 7.

Pamilyar sa televiewers ang ilan sa mga contestants ng The Clash dahil sumali na sila noon sa iba’t-ibang mga talent search show.

Sa Top 64 Clashers ng The Clash, Metro Manila contenders sina Bradley Holmes at Rowell Quizon na matatandaan ng mga mahihilig manood ng mga singing competition sa telebisyon gaya ng "Tawag ng Tanghalan" ng It’s Showtime at The Voice Philippines ng ABS-CBN.

Finalist si Holmes sa season 2 ng The Voice Philippines na nagsimula noong October 26, 2014, at natapos noong March 1, 2015. Si apl.de.ap ang coach ni Holmes na nakilala bilang Rocker Dad ng The Voice Philippines. Nakapag-release ito ng single na may pamagat na "Damhin" noong March 2017.

Masasabing ang pagsali ni Holmes sa The Clash ay pagbabalik niya sa GMA-7 dahil lumabas na siya noon sa mga programa ng Kapuso Network.

Continue reading below ↓

Napanood si Holmes sa mga youth-oriented program ng GMA-7 noong teenager pa lamang siya, sa Best Friends (1995 ) at sa Click.

Samantala, ang "Tawag ng Tanghalan" ng It’s Showtime ang singing contest na nilahukan ni Rowell Quizon noong January 2019 bago siya sumali sa The Clash Season 2.

Apo si Rowell ng Comedy King na si Dolphy at anak ni Freddie Quizon, na sumakabilang-buhay noong November 18, 2005.

Bukod sa "Tawag ng Tanghalan," naging contestant si Rowell ng Superstar Duets ng GMA 7 ( 2016) at Season 3 ng Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN ( August 2011).

Si Ai-Ai Delas Alas ang isa sa mga hurado ng Pilipinas Got Talent Season 3, at sa pangalawang pagkakataon, miyembro siya ng The Clash panel kaya muling nagtagpo ang landas nila ni Rowell sa The Clash Season 2.

Ang pagsali nina Holmes at Rowell sa The Clash ang patunay na hindi man sila naging masuwerte sa mga singing competition na sinalihan noon, hindi nawawala ang kanilang pag-asa na matutupad ang mga pangarap nila.

Continue reading below ↓

Sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang Clash Masters; sina Rita Daniela at Ken Chan naman ay Clash Mates. Kasama ni Ai-Ai sa Clash Panel sina Lani Misalucha at Christian Bautista.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Bradley Holmes at Rowell Quizon ay parehong kasali sa The Clash, at pareho ring galing sa ABS-CBN competitions na The Voice at Tawag ng Tanghalan, respectively.
PHOTO/S: @bradholmes711 @quizonrowell on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results