StarStruck 7 Ultimate Male Survivor Kim de Leon excited lumipat sa bagong bahay

by Jojo Gabinete
Sep 22, 2019
StarStruck 7 Ultimate Male Survivor Kim de Leon is excited to move into his new house, one of his prizes from GMA-7's reality artista search.
PHOTO/S: Noel Orsal

Isang linggo na ang nakalilipas mula nang tanghalin si Kim de Leon bilang Ultimate Male Survivor ng StarStruck Season 7 at hanggang ngayon, maligayang-maligaya pa rin siya.

Kinuwento ni Kim sa Cabinet Files na ang una niyang ginawa pagkatapos niyang itanghal noong gabing iyon ay mag-guest sa GMA morning show na Unang Hirit.

Lahad niya, “Actually, gustung-gusto ko na matulog noon pero hindi ako makatulog.

"Sobrang... as in after ng pagkapanalo ko, nakangiti na ako palagi. Sabi ko, grabe, Ultimate Male Survivor… totoo ba ito?

“'Tapos yun nga, the following day, Unang Hirit 'tapos sa hapon, meeting with GMA Artist Center.

“In-orient lang kami para sa future plans, kung kailan kami magsa-sign [ng kontrata].

“This whole week puro guestings, wala pang masarap na tulog.

"Hindi ako nagrereklamo. Okey lang na ma-miss yung kama kasi kahit sobrang pagod, at least, parang busy na agad na magandang senyales saka hindi rin naman ako masyadong nakakatulog.”

Continue reading below ↓

Nang sumali si Kim sa StarStruck Season 7, nanirahan siya sa isang dormitoryo na malapit sa GMA Network Inc. building para makatipid siya sa oras at pamasahe.

Matapos manalo na Ultimate Male Survivor ng StarStruck, hindi pa rin iniiwanan ni Kim ang dormitoryo na tinutuluyan niya, kahit house and lot ang isa sa mga premyo na kanyang napanalunan.

“Hindi pa rin ako umaalis. Parang tinatapos yung contract na three months.

“Sobrang excited po ako sa bahay. Gusto ko nang mapuntahan. Hindi ko pa alam kung saan pero hopefully, pinakamalapit sa GMA-7.

"Kung lilipat ako, doon na lang, kung aalis ako sa dorm,” ang sabi ni Kim na instant millionaire din sa P1 million cash prize at P5 million worth contract sa GMA-7 kaya lubos ang pasasalamat niya sa Diyos.

Pagbabalik-tanaw niya, “Grabe, lahat yata nasabi ko na sa Kanya kasi nung before pa lang ng announcement ng winners, nagdadasal na ako.

Continue reading below ↓

“Sobrang dasal na ako. Sobrang thankful talaga ako. Ang way ko para mag-give thanks sa Kanya, gumagawa ako nang mabuti sa kapwa. Be nice everytime to everyone and yes, may plano kaming sumimba.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
StarStruck 7 Ultimate Male Survivor Kim de Leon is excited to move into his new house, one of his prizes from GMA-7's reality artista search.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results