Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, natuloy ang reunion sa wakas

by Jojo Gabinete
Sep 23, 2019
PHOTO/S: Instagram

Ang duet ng ex-couple na sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta ang isa sa mga highlight ng 12th Gabay Guro Gathering na ginanap sa Mall of Asia Arena kahapon, September 22, 2019.

Hindi natuloy noong 2018 ang pelikulang gagawin sana ng ex-couple dahil nagkaroon sila ng malalim na tampuhan.

Sa Instagram post ni Sharon noong May 2018, ibinulgar niyang sobra ang power- tripping na malinaw na patungkol sa kanyang dating asawa.

“Just for the record, I agreed to his requested billing. I really didn't care.

"What I cared about was that this, what he called our 'legacy' to KC, would be done. For her.

"Wala sa akin ang problema.

"They can lie and make up all the stories they want. But I was willing to do it and swallow what was left of my pride for KC

“My life's work and name will never mean more to me than KC.

Continue reading below ↓

"But I can't do a movie when my schedule and professionalism are constantly toyed with. 'Tapos iba ang mababasa mo. Nakakapagod.

"So never mind what 'legacy' was supposed to be for KC.

"I said yes to all demands na. Pero sobra naman ang power-tripping ng mga tao. Not worth it.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Ilang beses na ako na-offend. Why naman will I allow it,” bahagi ng 2018 Instagram post ni Sharon.

Pero sa September 2018 interview kay Gabby sa presscon ng Gabay Guro, nagsalita ang aktor na willing itong magkaroon ng duet kay Sharon para sa grand gathering ng Gabay Guro noong nakaraang taon, na hindi naman natuloy.

Kaya sorpresa sa lahat ang pagpayag nilang magsama sa PLDT event na nangyari kahapon.

Ang Lani Hall ‘80’s hit na "Come What May," na associated noon sa popular love team nina Sharon at Gabby, ang kinanta nila sa 12th Gabay Guro Grand Gathering na ikinatuwa ng libo-libong mga guro na dumalo sa okasyon.

Continue reading below ↓

"For the first time in forever!" ang sabi ni Sharon sa audience matapos ang performance nila ni Gabby.

“Mr. Gabby Concepcion, ladies and gentlemen,” ang introduction ni Sharon sa kanyang ex-husband.

Sinagot naman ito ni Gabby ng “Miss Sharon Cuneta-Concepcion noong araw.”

Dagdag-pahayag ni Gabby, “Masayang-masaya ho kami, nandito kayo, makakasama ho ninyo.

Continue reading below ↓

"Kayo po ang mga guro na nagturo sa amin at kayo po ang nagturo kay KC noon.

"Maraming salamat sa lahat ng guro and, of course, maraming salamat sa Gabay Guro at sa ating pinakamamahal, si Miss Chaye [Cabal-Revilla, Gabay Guro Chair]."

Ang muling pagsasama nina Gabby at Sharon sa MOA stage ang nagbigay sa kanilang mga tagahanga ng pag-asang matutuloy pa rin ang shelved movie project nila noong 2018.

Bukod kina Sharon at Gabby, performers din sa 12th Gabay Guro Gathering ang ex-couple-turned-good friends na sina Pops Fernandez at Martin Nievera.

“The ex-Factor” ang caption ni Pops sa litrato nila nina Martin, Gabby at Sharon na inilagay niya sa kanyang Instagram account.

Continue reading below ↓

Nag-perform din sa 12th Gabay Guro sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Aegis, Zephanie, Piolo Pascual, Zsa Zsa Padilla, Kuh Ledesma, Christian Bautista, Ian Veneracio, Angeline Quinto, K Brosas, Jona, at marami pang iba.

Mga host ng programa sina Dimples Romana, Ruby Rodriguez, Wally Bayola, Jose Manalo, Andrew Wolff, at ipinakilala si Luis Manzano bilang bagong celebrity ambassador ng PLDT.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results